advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: The tell-tale signs of Marian Rivera's pregnancy

1 of 9

Baby #2

Buntis sa pangalawang pagkakataon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Ibinahagi ng aktres ang magandang balita sa kanyang social media account.

2 of 9

Daddy Dong

Sinegundahan naman ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang announcement ng asawa at sinabing "natupad na rin ang matagal na nilang dasal, lalong-lalo na ni Zia."

3 of 9

Blind item

May ilang araw na ang nakakaraan nang unang mapabalita sa mga showbiz news site na may isang sikat na aktres ang diumanoay buntis ngunit ayaw pa munang magbigay ng pahayag.

advertisement
4 of 9

Mommy again

Mas lalong umugong ang balita nang kumalat ang larawan ni Marian na itsurang may baby bump. Sa mga panahong ito, mas madalas na ring makitang nakasuot ng flat shoes ang aktres imbes sa nakasanayang heels.

5 of 9

Haircut

Makaraan ang ilang araw, bumungad naman ang bagong hairdo ni Marian na ayon sa veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ay isa sa mga senyales na buntis si Marian.

6 of 9

Confirmation

Sa kabila ng isang matibay na senyales hindi pa rin agad nagbigay ng anunsiyo si Marian at Dingdong at ito ay dahil diumano, hinihintay ng mag-asawa ang kompirmasyon ng doktor.

advertisement
7 of 9

First trimester

Bagamat wala pang detalye kung ilang buwan na ang sinapupunan ni Marian, tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong buwan na ito ng kanyang pagbubuntis.

8 of 9

Big sister

Si Marian at Dingdong ay mayroon ng isang anak, ang three-year old na si Baby Zia.

9 of 9

Team Dantes

Congratulations, Team Dantes!

advertisement