Showbiz News

Ashley Ortega, gustong tumagal pa sa industriya

By Kristian Eric Javier

Halos 10 taon din ang hinintay ng Hearts on Ice star na si Ashley Ortega para sa pangarap niyang role sa serye. At ngayon na nakuha na niya ang big break ay gusto niyang matupad ang layunin na mas tumagal pa sa industriya.

Sa interview niya sa podcast na Updated with Nelson Canlas, sinabi ng Sparkle star na bagamat nagpapasalamat siya sa natamong kasikatan, ang layunin niya bilang aktres ay ang tumagal sa showbiz industry.

“You know, sometimes you can be famous pero nawawala ka rin sa industriya,” saad nito.

Ipinahayag din ni Ashley kung paano niya hinahangaan ang mga beteranong aktor at aktres na kaniyang nakakatrabaho tulad ng co-star niya sa Hearts on Ice na si Amy Austria, dahil tulad nila, gusto rin daw niyang tumanda na umaarte pa rin.

“Kasi this is what I love, so I stayed patient in my career, hindi ako nagco-complain. Importante rin na natututunan ko rin sa mga veterans, ito lang sinasabi nila pakikisama mo talaga sa lahat ng mga tao,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktres, “If gusto mo tumagal sa industriyang 'to, kailangan may pakikisama. And siyempre 'yung kailangan mahal mo 'yung ginagawa mo.”

Ipinaliwanag din ni Ashley na dahil mahirap ang maging artista o kahit anong propesyon, importante ang pagiging passionate sa trabaho.

“If you're really passionate with your work and you take it seriously you're gonna get somewhere. And you should always know how to handle rejections as well,” dagdag pa nito.

Binigyan diin niya ang importansya ng kabiguan at sinabing parte iyon ng buhay “to grow as a person.”

Dagdag nito, “You also have to choose your battles wisely in life because not every battle is worth fighting for. Some are just a waste of time and, you know, it's not about winning all the time. We should always know what's best for [us] as long as wala kang tinatapakang tao.”

TINGNAN ANG PRETTIEST SHOTS NI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: