GMA Logo Nino Muhlach
What's on TV

Niño Muhlach, nilinaw kung bakit ibinenta ang kaniyang FAMAS trophy

By Jimboy Napoles
Published June 3, 2024 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino volunteers play key role at Vatican’s Jubilee of Hope
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Nino Muhlach


Ibinenta ni Niño Muhlach kay Boss Toyo sa halagang PhP500k ang isa sa kaniyang FAMAS trophy.

Nilinaw ni Niño Muhlach sa Fast Talk with Boy Abunda kung bakit niya ibinenta sa “Pinoy Pawnstar” na si Boss Toyo ang isa sa kaniyang mga tropeyo noon bilang Best Child Performer sa Flipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS.

Matatandaan na hati ang naging reaksyon ng mga netizen sa pagbebenta ni Niño ng kaniyang “priceless” trophy.

Pero paliwanag ni Niño sa batikang TV host na si Boy Abunda, si Boss Toyo mismo ang tumawag sa kaniya at nagkainteres na bilhin sa kaniya ang isa sa kaniyang FAMAS trophy.

Aniya, “Hindi kasi, Tito Boy 'yung ibang nagdadala doon, sila 'yung lumalapit. Ako, tinawagan ako ni Boss Toyo, and then he was telling me nga na merong nag-offer sa kaniya ng FAMAS award ng child star pero hindi raw niya binili because para sa kaniya ang child star talaga na [sa isipan] niya was Niño Muhlach.”

Ayon pa sa dating child star, tingin niya ay mas maaalagaan ang kaniyang tropeyo kung ilalagay niya ito sa museum ni Boss Toyo.

“I have 5 awards, e, nakatambak lang sa bahay Tito Boy hindi ko naaalagaan. So ang usapan namin ni Boss Toyo, 'Sige I'll sell it to you pero may deal, kailangan i-restore mo na magmumukhang bago and idi-display mo sa museum at hindi mo puwedeng ibenta,'” kuwento ni Niño.

Dagdag pa niya, “Idi-display niya sa museum niya na forever na makikita ng mga tao.”

Binili ni Boss Toyo sa halagang PhP500,000 ang nasabing FAMAS trophy ni Niño. Matatandaan na kamakailan ay nabili rin ng nasabing memorabilia collector ang Gawad Urian trophy ng Best Child Actor din noon na si Jiro Manio sa halagang PhP75,000.

Mataandaan na naging controversial din ang isa sa “Pinoy Pawnstar” vlog ni Boss Toyo noong 2023 kasama si Abegail Rait, na nagpakilalang naging karelasyon umano noon ng yumaong master rapper na si Francis Magalona.

Ibinenta ni Abegail kay Boss Toyo ang umano'y iniwang jersey sa kaniya ni Francis M, kalakip ang umano'y handwritten letter ng OPM icon sa kaniya.