GMA Logo ogie alcasid on Family Feud
What's on TV

OG host ng 'Family Feud' PH na si Ogie Alcasid, naiyak sa tuwa nang maglaro sa show

By Jimboy Napoles
Published April 8, 2024 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ogie alcasid on Family Feud


Si Ogie Alcasid ang first-ever host ng Family Feud Philippines 23 years ago.

Naiyak sa tuwa ang seasoned host at singer-songwriter na si Ogie Alcasid nang mag-guest ito sa Family Feud kasama ang kanyang It's Showtime family noong Lunes, April 8.

Sa muling pagtuntong ni Ogie sa Kapuso studio ay hindi nito mapigilan na maging sentimental bago pa man sila maglaro onstage.

Naibahagi ni Ogie sa briefing backstage na espesyal ang guesting na ito dahil siya ang first-ever host ng Family Feud nang i-launch ito sa Pilipinas 23 years ago, at ngayong nabigyan na siya ng pagkakataong maglaro sa Kapuso network, kasama naman niya ang inaanak niyang si Dingdong Dantes na siya nang host ng top-rating game show.

Nang magsimula na ang laro, tinanong ni Dingdong si Vice kung gaano ka-confident ang Team Vice na maipanalo ang game.

“Ayaw sana naming pumunta dito dahil ayaw naming makasakit ng damdamin. Nagpunta lang talaga kami rito para suportahan si Ogie. Na-miss kasi niya ang show na ito,” biro ni Vice.

Proud na ibinahagi ni Dingdong na, “Si Ninong Ogie ang O.G. na host ng Family Feud when it was first introduced in the Philippines in 2001.”

“Siya ang nag-introduce ng show na ito sa Pilipinas? Pero hindi na-renew?” pang-asar ni Vice.

Nakangiting sinagot ni Ogie ang Unkabogable Star, “Because I gave way. Dahil alam ko [in the future] na ang inaanak ko ang magiging host.”

Tinalo ng Team Vice ang Team Anne sa score na 388 points - 169 points.

Kasama ni Vice Ganda sa Team Vice sina Jhong Hilario, Amy Perez, and Jugs Jugueta.

Habang ka-grupo naman ni Anne Curtis sa Team Anne sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Teddy Corpuz.

Ang napakasayang uncut, uncensored version ng It's Showtime episode ay eksklusibong mapapanood sa Family Feud social media accounts.

Araw-araw na manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.