GMA Logo Royal Blood
What's on TV

Pagkaalam ni Napoy sa sikreto ng mga kapatid, pumalo sa 10 percent ang ratings

By Aimee Anoc
Published July 3, 2023 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Patuloy ang paghataw sa ratings ng pinakamalaking suspenserye ngayon sa primetime, ang 'Royal Blood.'

Gabi-gabi ang mainit na pagsubaybay ng manonood sa murder mystery drama na Royal Blood. Patunay rito ang matataas na ratings na nakukuha ng serye mula pilot week hanggang sa ikalawang linggo nito.

Noong Biyernes (June 30), pumalo sa 10 percent ang ratings ng episode 10 ng Royal Blood base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sa episode 10, napanood ang maiinit na eksena sa pagitan ng magkakapatid na Napoy (Dingdong Dantes), Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin) matapos na ianunsyo ng kanilang amang si Gustavo (Tirso Cruz III) na si Napoy ang maaaring maging susunod na CEO ng Royal Motors.

Dito, nalaman na rin ni Napoy ang sikreto ng mga kapatid kung bakit galit na galit ito sa kanilang ama. Hindi rin sinasadyang marinig ni Napoy ang pagtuturuan nina Kristoff, Margaret, at Beatrice kung sino sa kanilang tatlo ang may pakana sa tangkang pagpatay kay Gustavo, ito ay nang pagbabarilin ang kotseng sinasakyan ng huli.

Ngayong alam na ni Napoy ang nangyayari sa loob ng mansyon at ang planong pagpatay ng mga kapatid sa kanilang ama, ano kaya ang susunod nitong gagawin?

Abangan ang mas mabibigat at nakagugulat na mga eksena ngayong linggo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Huwag palampasin ang pagbisita ni Vaness del Moral bilang Hillary Suarez sa Royal Blood ngayong Lunes.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

Balikan ang mga kaganapan sa ikalawang linggo ng Royal Blood sa exclusive video na ito:

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: