
Naganap na ang gustong mangyari ng magkakapatid na Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin) sa kanilang amang si Gustavo--ang pagkamatay nito.
Talaga namang mainit na sinusubaybayan ng manonood ang bawat episode ng Royal Blood, kung saan matapos na makakuha ng magkasunod na 10.1 percent na ratings ang episodes 11 at 12 nito ay nakuha naman ngayon ng serye sa episode 13 ang pinakamataas nitong ratings to date na 10.3 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa mataas na ratings, patuloy na umaani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang malagim na nangyari kay Gustavo (Tirso Cruz III).
I'm super hooked on this newest primetime offering of @gmanetwork . Ang ganda na nga ng storyline, ang perfect pa ng casting! Mas pinatindi pa sa Widow's Web. Bravo GMA! Super intense episode tonight.#RBDeadlyParty @dongdantes_ @mikaeldaez @whianwamos @meganbata Lianne, Rabiya pic.twitter.com/7cuzYPnxtE
-- Johne Lendel Vasquez (@itsmelendel) July 5, 2023
Simula na ng paghahanap kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales!#RBDeadlyParty
-- CybeRhians Official (@CybeRhians) July 5, 2023
Rhian Ramos | Margaret Royales pic.twitter.com/aYDsXq2bHm
I got this feeling na wala kina Kristoff, Margaret, at, Beatrice ang pumatay. #RoyalBlood#RBDeadlyParty https://t.co/B3rmvZz6tU
-- J (@unknownymxus) July 5, 2023
It's either a fake death or one of the siblings planned the whole thing. Feel ko si Margaret talaga to eh#rbdeadlyparty
-- D.J, RMTired (@dianxDDD) July 5, 2023
Tama si bagets, Minsan the least likely suspect is the actual killer. Si Tasha? No one is suspecting her, right. Ha ha ha. Nababaliw na ata ako sa kaiisip #RBDeadlyParty
-- Idiot Poet (@BobOng_Makata) July 5, 2023
Feeling ko, hindi pa yan yung totoong murder. The Vanishing Act Murder is just that: an act. Pero baka mamatay tlaga si Gustavo but this time he did not plan it. #RBDeadlyParty
-- Idiot Poet (@BobOng_Makata) July 5, 2023
Kristoff is full of insecurities but never be a killer... I think
-- SunShine Moeyersons (@OnealEnyhs) July 5, 2023
Mas kahinahinala si Diana#RBDeadlyParty
Rhian Ramos | Margaret Royales
The commanding presence of this actress portraying the police role is on point. Nakakaintimidate. HAHA! #RoyalBlood #RBDeadlyParty pic.twitter.com/jc9mgaeO4g
-- GMA ALT Play Ground (@GMAAltPlayGrnd) July 5, 2023
Sa episode 13 ng Royal Blood na napanood kahapon (July 5), nagsimula nang mag-imbestiga ang mga pulis sa nangyaring pagsaksak kay Gustavo sa mismong selebrasyon ng kaarawan ni Archie (Aidan Veneracion).
Unang sumalang sa imbestigasyon si Napoy (Dingdong Dantes) kung saan ipinapanood sa kanya ang kumalat na video kung saan makikita ang mga kaganapan bago nakitang may saksak si Gustavo.
Ipinaliwanag naman ni Napoy ang hinala niya na naroroon na ang ama sa mahiwagang box bago pa man siya pumasok dito, na nangangahulugang nasaksak na si Gustavo bago pa man magsimula ang magic trick sa kanya ng magician.
Sunod namang kinuwestiyon ng lead investigator ang magician kung saan ipinaliwanag nito na sinunod niya lamang ang sinabi sa kanya ni Diana (Megan Young), na asikasuhin si Gustavo dahil lalabas ito sa mahiwagang box na may hawak na cake para sorpresahin ang apong si Archie.
Hindi naman naiwasan ni Napoy na maghinala sa kakaibang kinikilos ng kapatid na si Kristoff at sinundan ito nang kausapin si Diana. Dito nalaman ni Napoy na sinubukang itapon ni Diana ang cufflink ni Gustavo na nakita ni Kristoff sa bulsa nito.
Dahil dito, kinumpronta ni Napoy si Kristoff kung saan nasaksihan ito ng lahat. Pilit namang ipinaliwanag ni Kristoff na nahanap niya lang ang cufflink sa bulsa niya. Hindi naman naiwasang magpang-abot sina Napoy at Kristoff dahil sa nangyari.
Natigil lamang ang pagtuturuan ng magkapatid nang dumating si Emil (Arthur Solinap) dala ang balitang wala na ang kanilang ama, na patay na si Gustavo.
Patuloy na subaybayan ang maiinit at nakagugulat na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.
Panoorin ang full episode 13 ng Royal Blood sa video na ito:
KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: