
Ang pamilya ng bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.), iniwan ang maganda nilang mansyon sa big city, para sa quiet life sa probinsya habang may pandemya.
Sa grand premiere ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento noong nakaraang Sabado, mukhang adjusted na sa kanilang farm house sina Pitoy, Elsa (Manilyn Reynes), Chito (Jake Vargas), at Clarissa (Angel Satsumi).
Pero totoo kaya na gusto pa nila manatili nang matagal sa probinsya?
Paano kung magsunod-sunod na ang aberya sa kanilang farm house?
Muling panoorin ang pilot episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last June 11 sa video sa ibaba.
Heto pa ang ilang highlights ng high-rating Kapuso sitcom na dapat n'yo ulit-ulitin.
I'm bored in the house, i'm in the house, bored!
Saan nga ba takot si Elsa?
May bagong amo sa bahay ni Pepito?!
Probinsya life struggles
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.