GMA Logo Pokwang in Stars on the Floor
What's on TV

Pokwang, nahawa sa energy at bumilib sa dance stars ng 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published May 28, 2025 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz partner
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang in Stars on the Floor


Excited na si Pokwang sa kaniyang upcoming dance competition na 'Stars on the Floor' dahil sa energy at galing ng mga makakasama niya sa show na ito.

Handang handa na umindak si Pokwang kasama ang mga dance stars at bilang parte ng dance authority ng upcoming dance competition na Stars on the Floor.

Sa panayam ng comedian sa GMA Integrated News nitong Martes, May 27, ibinahagi nito na masaya siya na mapasama sa Stars on the Floor dahil sa nakakahawang energy ng mga dance stars pati na din ng kaniyang kapwa dance authority panel na sina Marian Rivera at Coach Jay at ang host na si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

"Can you imagine ha, 52 years old? Pero, kasi nakakabata yung show na 'to, nadadamay ako sa ano [energy] nila. I am so happy na napasama ako sa show na ito kasi yung energy nila," sabi ni Pokwang.

Inamin din ni Pokwang na ilang beses ito namangha at umiyak sa galing mga dance stars sa show.

"Magugulantang kayong lahat. Sobrang hindi mo akalain na kasi they are out of the box, they are out of ther comfort zone," ikinuwento ni Pokwang tungkol sa mga dance stars.

Nagbigay din ng thrill ang komedyante sa mga aabangan sa kaniya sa show.

"Iba't ibang persona ni mamang mo dito. Kaya 'yan ang isa sa dapat niyong abangan din," pagbida ni Pokwang sa kaniyang ganap sa upcoming dance competition.

Bago pa man sumabak sa kaniyang bagong show, nagpakitang-gilas muna si Pokwang sa kaniyang show na Poohkie kasama ang mga kapwa comedian na sina Pooh at Chad Kinis sa Music Museum.

Abangan ang Stars on the Floor ngayong June sa GMA.

Samantala, kilalanin dito ang dance authority ng upcoming dance competition na Stars on the Floor: