
Sa kabila ng pinagdaanan ngayon ni Pokwang bunsod ng paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Lee O'Brian, patuloy ang pagpapasaya niya sa Kapuso viewers.
Sa katunayan, sa gitna ng paglabas ng mga balita tungkol sa kanilang hiwalayan, magsisimula ang bagong proyekto ng Kapuso comedienne na TiktoClock, kung saan makakasama niya sina Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo.
"Ang aming [celebrities] ay happy time na, 'di ba? So, kailangan maipakita namin especially 'yung sa mga nasa bahay nating mga viewers na 'yun naman talaga 'yung hangarin ng show na ito--magbigay kami ng saya," sabi ni Pokwang sa ginanap na media conference ng TiktoClock noong Martes, July 12.
Ayon kay Pokwang, naka-focus siya ngayon sa bago niyang programa sa GMA.
"Kung ano man 'yung mga meron tayo na sarili nating kalungkutan iwanan natin 'yan. Wala silang kasalanan. Gusto lang nila tumawa."
"Kung ano 'yung ine-expect nila 'yun ang ibibigay namin."
Sa mediacon, inamin din ni Pokwang na pitong buwan na silang hiwalay ni Lee.
"In fact, seven months ago pa akong ano, e... okay na ako. Pitong buwan ago pa 'yang nangyari sa akin na 'yan."
Sa exclusive interview ni Pokwang sa 24 Oras, nilinaw niya na hindi third party ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee.
"Una sa lahat walang third party, wala in all fairness kay Papang. Hindi rin pera, kagaya ng mga lumalabas na pera. Hindi ganoon, walang ganoon," aniya.
Sabi pa ni Pokwang, "Siguro napagod lang kamI."
Photo source: @leeobrian
Bagamat malungkot ang pagtatapos ng kanyang relasyon kay Lee, isang blessing naman na maituturing ni Pokwang ang bagong proyekto sa GMA.
"Ito, we're very blessed. Hindi lahat ng mga artista ngayon ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon. We're very, very super super blessed kami."
Dagdag pa niya, "All we have to do is be thankful and be grateful at ipakita 'yun sa mga taong manonood."
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG FUN FACTS TUNGKOL KAY POKWANG: