
Kapansin-pansin ang glow at happiness ni Whispers From Heaven actress Bea Alonzo sa kanyang latest portraits na ibinahagi sa Instagram.
Makikita rin sa kanyang portraits na suot niya ang kanyang eleganteng wedding ring. Mahigit isang linggo na ang nakalilipas nang ikasal si Bea sa business tycoon na si Vincent Co.
"New season," caption ng aktres sa kanyang post na may kasamang heart emoji.
Kasalukuyang mayroong mahigit 199,000 likes at 660 comments ang post na ito ni Bea, kung saan ipinarating ng netizens ang kanilang saya para sa aktres.
Sa kanya namang Instagram Stories, ipinasilip ni Bea ang close-up look sa kanyang singsing, kung saan isinulat niya ang "At my happiest."
Samantala, tuloy-tuloy ang taping ni Bea para sa kanyang upcoming GMA series na Whispers From Heaven.
Makakasama niya sa serye sina Tom Rodriguez, Maricar Reyes, Jason Abalos, Jake Macapagal, at Cassy Legaspi.
Related content: Bea Alonzo and Vincent Co's low-key wedding wins hearts