
"Dream come true" para sa aktor na si Rafael Rosell na makatrabaho sa isang serye ang beteranang aktres na si Eula Valdes.
Kapwa kabilang sina Rafael at Eula sa pinakabagong afternoon series ng GMA na Forever Young, kung saan gaganap silang mag-ina na sina Albert at Esmeralda Vergara.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Rafael ang paghanga kay Eula.
"It's just a dream come true," sabi ni Rafael. "Ang galing ni Miss Eula. She's so inspiring and bawat eksena parang totoo talaga.
"Very thankful and very grateful ako na nakatrabaho ko si Ms Eula," dagdag niya.
Ayon kay Rafael, paniguradong mae-enjoy ng manonood ang kuwento ng Forever Young at ang role na gagampanan niya sa serye.
"Si Albert Vergara ay anak ni Esmeralda na namumuno sa [bayan ng] Corazon kung saan nagaganap 'yung istorya ng Forever Young," paliwanag ni Rafael sa kanyang karakter.
"Anak siya ng isang mayor rito. So very privileged siya. Ayaw niyang mag-follow sa nanay niya, pero lahat ng nangyayari sa paligid niya ay talagang ilalagay siya sa direksyon na 'yon--na kailangan talagang sumali sa politika.
"Mahaba 'yung story na 'yon at kailangan niya rin hanapin 'yung origins niya, kung sino talaga 'yung mga magulang niya, kung sino talaga 'yung konektado sa buhay niya. It's a very long journey na sa tingin ko mae-enjoy ng mga tao."
Bukod kay Eula, makakasama ni Rafael sa inspiring family drama sina Euwenn Mikaell, Michael De Mesa, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo Agapito (Euwenn Mikaell), isang 25-year-old na tatakbo bilang isang mayor. Mayroon siyang kakaibang kondisyon na tinatawag na panhypopituitarism, na makakaapekto sa kanyang paglaki.
Abangan si Rafael Rosell sa Forever Young, simula October 21, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang full trailer ng Forever Young sa video na ito: