Ruru Madrid, tinawag na 'asawa material' si Bianca Umali

Proud boyfriend si Ruru Madrid kay Bianca Umali nang makita ang trending video nito sa loob ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Katunayan, natawag niyang “asawa material” ang longtime girlfriend dahil dito.
Matatandaan na pumasok kamakailan sa loob ng Bahay ni Kuya si Bianca bilang pinakabagong houseguest nito.
Sa X (dating Twitter), isang fan ang nag-post ng video kung saan makikita si Bianca na nililinis at nagliligpit sa kuwarto ng mga boys. Umabot na ng mahigt 700,000 views at 20,000 likes ang naturang clip.
Caption ng netizen sa kaniyang post, “Super linis huhu nawala ang mga anek anek sa boys bedroom. Huhu. Suwerte mo naman, Ruru Madrid!”
Ni-repost naman ni Ruru ang naturang clip, at sinabing “Asawa material ehh.”
Asawa material ehh 😍 https://t.co/6UaetmYZ84
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) May 27, 2025
Sa hiwalay na post, inamin ni Ruru na sobrang bagay si Isadora (first name ni Bianca sa totoong buhay) sa loob ng PBB house. Ngunit aniya, “Kaya lang parang di ko kaya na matagal ko [siya] di makakasama.”
Sobrang bagay ni Isadora sa PBB kaya lang parang di ko kaya na matagal ko sya di makakasama 😅
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) May 27, 2025
TINGNAN ANG HULING DATE NIGHT NINA BIANCA AT RURU BAGO PUMASOK ANG AKTRES SA BAHAY NI KUYA SA GALLERY NA ITO:
Sa Facebook, isang netizen naman ang nag-post ng litrato ni Bianca na makikitang nasa loob ng confession room sa Bahay ni Kuya. Aniya, akala niya noon ay masuwerte ang Encantadia Chronicles: Sang'gre aktres kay Ruru.
“Akala ko dati si Bianca ang suwerte kay Ruru Madrid pero after this episode na-realize ko na si Ruru pala ang suwerte,” caption nito sa kaniyang post.
Sinagot naman ng Lolong: Pangil ng Maynila actor ang naturang post, “Hindi lang suwerte... Super duper suwerte ko!”
Matatandaan na bago pa man pumasok si Bianca sa Bahay ni Kuya ay inilabas na ni Ruru ang kaniyang girlfriend para sa isang date.
SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEET PHOTOS NINA RURU AT BIANCA SA IBABA

















































