Showbiz News

Winwyn Marquez: 'Bawal ba maging happy mag-isa?'

By Nherz Almo

“Bawal ba maging happy mag-isa?”

Winwyn Marquez

Ito ang sagot ni Winwyn Marquez sa umano'y paulit-ulit na tanong tungkol sa pagiging single and happy niya ngayon.

Idinaan na ng Dahil Sa Pag-Ibig star ang kanyang saloobin tungkol walang tigil na tanong tungkol sa pagiging masayahin niya ngayon.

Aniya, “People are asking me paulit-ulit why I'm so happy… bawal ba maging happy mag-isa?

“I don't need to rush into another relationship to be 'HAPPY.'

“I'm just glad that I trusted my gut with everything and it just brought me to the right place.

“It's all so clear now, obvious naman [smile emoji].”

Limang buwan na ang nakalilipas nang aminin ni Winwyn na hiwalay na sila ni Mark Herras, na naging boyfriend niya sa loob ng dalawang taon.

READ: Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras: "Yeah, I'm single right now."

Sa halip na makitang malungkot, kapansin-pansin ang kasiyahan ng Kapuso actress lalo pa nang nagsimula siyang mahumaling sa K-pop group na BTS.

#ArmyFest: Winwyn Marquez levels up BTS addiction

Sa katunayan, nitong mga nakaraang araw ay punung-puno ang Twitter feed niya ng mga update tungkol sa panonood niya ng concert ng kilalang Korean boy band nang mag-isa.

LOOK: Winwyn Marquez watches BTS concert in Japan