Showbiz News

Romnick Sarmenta, ipinakilala ang bagong nagpapatibok sa puso niya

By Dianara Alegre

Ipinakilala na sa publiko ng aktor na si Romnick Sarmenta ang bagong babaeng nagpapatibok sa puso niya, ang indie actress at writer na si Barbara Ruaro.

Nitong June 21, nagpadala ng mensahe ang aktor kay Barbara kasabay ng pagpo-post niya ng kanilang larawan.

“Blessed, overjoyed and happy. That's what you make me. Thank you for this blessing. The colours that you bring.

“I thank God for you and all that you are. You're special to me. I love you, Bie.

“Thank You Lord for this wonderful blessing. Thank you Barbara Ruarao for the gift of love. For making me smile each day with the gift of your presence. I'm always here for you,” aniya.

Nitong June 15, nagpahiwatig ang aktor na may bago siyang minamahal nang mag-post ito ng larawan ng bouquet of flowers na hawak ng isang babae.

Romnick Sarmenta teases a new romance, "Makikilala n'yo rin po."

October 5, 2018 nang pumutok ang balitang hiwalay na ang 48-anyos na aktor sa aktres at producer na si Harlene Bautista matapos ang 19 na taong pagsasama.

Romnick Sarmenta, Harlene Bautista hiwalay na

#WalangForever: The beginning and end of Romnick Sarmenta and Harlene Bautista's love story