GMA Logo Zoren Legaspi Carmina Villarroel Ruffa Gutierrez
What's Hot

Ruffa Gutierrez tells Carmina Villarroel about past relationship with Zoren Legaspi: "Girl, wala namang overlapping!

By Maine Aquino
Published August 28, 2020 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi Carmina Villarroel Ruffa Gutierrez


Saad ni Zoren Legaspi, "Zoren left the group."

Sa live streaming na ginawa ni Carmina Villarroel nakasama niya ang kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Ruffa Gutierrez at Aiko Melendez.

Sa gitna ng kanilang kuwentuhan ay nakausap nila si Zoren Legaspi. Dito ay diretsuhang tinanong ni Carmina kung ano ang pakiramdam na nagkaharap muli ang mag-ex na sina Zoren at Ruffa.

Kuwento ni Zoren, "Wala naman kaming bad blood sa isa't isa e."

Dagdag pa ni Ruffa, "Oo naman! Ang dami naming ginawang movies."

Biro pa ni Zoren ay nag-uusap umano sila ni Ruffa nang hindi alam ni Carmina.

"Hindi mo alam 'pag natutulog ka nag-uusap kami niyan. Sabi niya 'huwag mong ipaalam kay mare ha na nagti-text ako!'"

Natatawang sagot ni Ruffa sa sinabi ni Zoren, "Grabe naman!"

Nilinaw naman ni Zoren na maganda ang naging friendship nila.

"Joke lang! Magkakaibigan naman lahat. 'Yun ang maganda sa amin."

Binalikan pa ni Ruffa na minsan ay magkakasama na silang nag-lunch.

"Nag-lunch pa nga tayo noon nung naghiwalay kayo ni Rustom, 'di ba?"

Sagot ni Zoren, "Zoren left the group."

Isa pang ibinahagi ni Ruffa "Girl, wala namang overlapping!"

Aniya, bata pa sila crush na ni Zoren si Carmina.

"Ikaw ang unang crush niya. Ikaw talaga ang crush ni Zoren pero bata ka pa."

Panoorin ang nakakatuwa nilang kuwentuhan sa video ni Carmina.

Carmina Villarroel, nakatanggap ng birthday surprise mula kay Lea Salonga

Carmina Villarroel, muntik nang makarelasyon si Piolo Pascual