Showbiz News

Kris Aquino at Mel Sarmiento, engaged na!

By Nherz Almo

Sa unang pagkakataon ay nag-post si Kris Aquino ng video kasama ang kanyang "mystery man," si dating DILG Secretary Mel Sarmiento.

Sa kanyang Instagram post ngayong gabi, October 24, ibinahagi ni Kris ang nakakakilig na video nila ni Sarmiento.

Bukod sa hatid na kilig ng video, marami rin ang nasorpresa sa mga pahayag ng Queen of All Media sa caption nito.

Sa isang bahagi, sinabi ni Kris, "To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It's unreal how much more calm & peaceful i feel now that you're here."

Nabanggit din niya sa huli, "We agreed, what's personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma share. Except i guess to say as much as i am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento."

Bagamat hindi niya tuwirang binanggit kung engaged na sila ng dating DILG secretary, bumuhos naman ang congratulatory messages para kay Kris mula sa kanyang kaibigan at sa showbiz.

Samantala, sa bahagi pa rin ng caption ni Kris, pinasalamatan niya ang kanyang yumaong kapatid na si former President Benigno "Noynoy" Aquino.

Aniya, "It's been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si 'bunso' na walang magbabantay at magaalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya."

Nabanggit din niya na si PNoy ang naging daan upang magkakilala sila ni Sarmiento.

Sabi ni Kris, "We would never have met nor reconnected had it not been for Noy. Thank you to my kuya, kahit wala na sya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga sya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano nya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.

"But THANK YOU, you must have known how broken i'd be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he's made it possible for me to smile and laugh again. Dumating nung hindi ko hinahanap o inaasahan- kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God's perfect time."

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Matatandaan na naging usap-usapan ang "mystery man" ni Kris ng mabanggit niya ang "special someone" na bumati sa kanya noong kaarawan niya.

Noong August, nakumpirma ang bali-balitang si ex-DILG Sec. Sarmiento ang "mystery man" nang sagutin niya ang isang komento sa post ni Kris.