Showbiz News

Carla Abellana, pinagsisisihan ba ang pagpapakasal kay Tom Rodriguez?

By Aedrianne Acar

Diretsahang sinagot ni Carla Abellana ang juicy questions tungkol sa breakup nila ni Tom Rodriguez.

Sa vlog ni Bea Alonzo, na in-upload sa kanyang YouTube channel kagabi, February 4, sumalang ang Voltes V: Legacy actress sa isang lie detector test.

Dito, tinanong ni Bea si Carla: “Do you ever regret getting married?"

Bago sagutin, sinabi ni Carla kay Bea, “Uy, di pa ako natatanong niyan, ha. Lagi ko nire-ready 'yung question na yan, na wala pa naman nagtatanong, na hindi ko rin alam kung ano isasagot ko."

Pagkatapos ay sumagot siya ng "no," ngunit lumabas na "lie" ito, ayon sa test.

Kasunod nito, ipinaliwanag ni Carla ang kanyang naging sagot.

Aniya, “Gusto ko sabihin no kasi, kahit papaano, kung paano tayo pinalaki, sa kultura natin, dahil din Catholic ako. Hindi! No regrets dapat kasi part 'yun ng plan ni God, mga ganun.

“But honestly, kung si Carla, tanggalin mo lahat 'yun, yes, talagang magsisi ako, nagsisisi ako. That's why siguro ganun [thumbs down] yung answer. Honestly, talagang hindi ko pa alam kung ano ba ako, yes or no."

Matatandaang kinumpirma mismo ni Tom Rodriguez noong June 2022 na divorced na sila, matapos ikasal noong October 23, 2021 sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas.

Sa nakaraang panayam ni Ogie Diaz kay Tom, sinabi ng aktor, “We're processing na rin naman the recognition sa Philippines to have it recognized ALSO there. So, at least para both of us can truly be free.”

Gayundin, nabanggit niya na nasa proseso pa rin siya ng pagmo-move on.

“I'm not saying naman moved-on, 'di mo naman masabi na pare-pareho 'yung pinagdadaanan [natin]. Like I said, for me 'di ko alam 'yung journey ng iba, journey niya mismo.

"Pero for me, I slowed down muna. So March pa lang mag-isa lang ako tried to go through that process, pero 'di ko naman masabi na mas ahead ka, mas behind ka that's arbitrary 'yung ganun.

Samantala sa vlog, sumunod na tinanong ni Bea kay Carla, "Do you imagine yourself getting married again in the future?"

Agad niyang sinagot, "No," na tama, ayon sa test.

Panoorin ang kabuuan ng panayam ni Bea kay Carla dito:

TINGNAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA CARLA AT TOM SA GALLERY NA ITO: