GMA Logo rita daniela
What's on TV

Rita Daniela, pinaglihian si Mavy Legaspi; nagpaalam pa kay Kyline Alcantara

By Jimboy Napoles
Published June 15, 2023 8:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

rita daniela


Rita Daniela sa kaniyang paglilihi kay Mavy Legaspi: “Kitang-kita niyo naman, may dimples si Uno.”

Hindi nahiyang aminin ng Kapuso singer-actress at ngayon ay first-time mom na si Rita Daniela na pinaglihian niya ang Sparkle actor na si Mavy Legaspi habang ipinagbubuntis niya ang kaniyang first baby boy na si Uno.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, masayang sinabi ni Rita na mga guwapong lalaki ang kaniyang pinaglihian at isa na nga rito ang Love at First Read star na si Mavy.

Isa si Mavy sa mga aktor sa show business na may charming dimples, kaya naman, kuwento ni Rita, “Ayan kitang-kita niyo naman, may dimples si Uno, pinaglihian ko kasi si Mavy Legaspi.”

Ayon pa kay Rita, ipinagpaalam niya pa sa aktres at on-screen partner ng aktor na si Kyline Alcantara ang ginawa niyang paglilihi kay Mavy.

Aniya, “Nagpaalam ako kay Kyline [Alcantara]. Sabi ko, 'Kyline, okay lang ba na paglihian ko si Mavy?' sabi niya, Go lang, go lang.'”

“Ako naman, super titig kay Mavy habang nagwo-work ako sa All-Out Sundays,” masayang ibinahagi ni Rita.

December 2022 nang ipanganak ni Rita si Uno pero nito niya lamang Abril ito ipinakilala sa publiko.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG PREGNANCY JOURNEY NI RITA DANIELA SA GALLERY NA ITO: