
Masayang ibinahagi ng Sparkle star na si Rita Daniela sa Instagram ang kanyang bagong social media milestone matapos umabot sa isang milyon ang bilang ng kanyang followers sa TikTok.
Bukod pa rito, lumampas na rin sa isang milyon ang kanyang followers sa Facebook.
Sa latest Instagram post ni Rita, ibinida ng aktres ang kanyang mga larawan at isang video kung saan makikita ang countdown sa pagtaas ng kanyang followers.
Nagpasalamat naman si Rita sa mainit na suporta ng kanyang fans sa kanyang social media accounts.
"1M today. Thank u everyone for all the continuous love and support in everything I do. We're 1M in Tiktok & 1.4M in Facebook. Love u all!," caption ng aktres sa kanyang post.
Matatandaan na viral din kamakailan sa TikTok ang ilang nakatutuwang videos ni Rita bilang si Aubrey sa dating Kapuso series na My Special Tatay kasama ang kanyang on-screen partner na si Ken Chan.
Samantala, upang mas makilala pa si Rita, balikan ang kanyang naging showbiz journey sa gallery na ito.