GMA Logo  Royal Blood
What's on TV

Royal Blood: May magtatangka muli sa buhay ni Gustavo!

By Aimee Anoc
Published July 12, 2023 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

 Royal Blood


Makaligtas pa kaya si Gustavo sa panibagong pagtatangkang ito sa kaniyang buhay?

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa manonood ang teaser na inilabas ng Royal Blood ngayong Miyerkules (July 12) kung saan ipinasilip na may mangyayaring masama kay Gustavo.

Base sa teaser, naniniwala pa rin si Gustavo (Tirso Cruz III) na isa sa mga anak niya ang sumaksak sa kaniya. Kinumbinse naman ni Napoy (Dingdong Dantes) ang ama na kausapin na lamang muli sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin) na humingi ng tawad sa kaniya.

Ipinakita rin ang paghahanap ni Anne (Princess Aliyah) kay Beatrice, na napansin ni Napoy. Nakasalubong naman ni Napoy ang isa sa mga tauhan ng ama na dala-dala ang kabayo nito at wala si Gustavo. Sa paghahanap sa kaniyang ama, nakarinig si Napoy nang malakas na sigaw at dito na niya nakita si Anne na nanginginig habang itinuturo ang nakahandusay na katawan ni Gustavo sa damuhan.

Hinala ng ilang netizens na si Beatrice na ang may kagagawan ng mangyayari ngayon kay Gustavo. Itinuturo rin ng ilan ang kahina-hinalang kilos ng mayordoma na si Cleofe (Ces Quesada).

Makakaligtas pa kaya si Gustavo sa panibagong pagtatangkang ito sa kaniyang buhay? Sino kaya ang may kagagawan nito sa kaniya?

Huwag palampasin ang maiinit at nakagugulat na mga kaganapan sa Royal Blood ngayong Miyerkules, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: