GMA Logo Royal Blood
What's on TV

Royal Blood soars high in its first week

By Aimee Anoc
Published June 26, 2023 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


"Mga Kapuso, maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay ninyo sa pilot week ng 'Royal Blood.'" - Dingdong Dantes

Nakakuha ng matataas na ratings ang murder mystery drama na Royal Blood sa pilot week nito, simula nang umere noong June 19 sa GMA Telebabad.

Talaga namang naging mainit ang pagtanggap dito ng manonood dahil sa premiere night nito ay agad itong nakapagtala ng 9.8 percent na ratings at triple trending pa sa Twitter Philippines.

Sa pilot week, naitala ng Royal Blood ang pinakamataas nitong ratings noong Miyerkules (June 21) kung saan nakakuha ang episode 3 nito ng 9.9 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sa episode 3, napanood ang pagpasok ni Napoy (Dingdong Dantes), kasama ang anak na si Lizzie (Sienna Stevens), sa mansyon ng amang si Gustavo Royales (Tirso Cruz III). Dito, isa-isang nakilala ni Napoy ang half-siblings na sina Kristoff, Margaret, at Beatrice.

Noong Biyernes (June 23), muling nakapagtala ng 9.8 percent na ratings ang Royal Blood kung saan muling nalagay sa panganib ang buhay ni Gustavo kasama sina Napoy at Lizzie nang pagbabarilin ng mga lalaking nakamotor ang kotseng sinasakyan nila.

Samantala, umaapaw naman ang pasasalamat ng cast ng Royal Blood sa mainit na suportang natanggap mula sa manonood.

"Mga Kapuso, maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay ninyo sa pilot week ng Royal Blood. Thank you sa inyong mga comments at suggestions. Talagang sobrang tagal naming inantay ang pagkakataon na ito na maipalabas sa inyo. Please continue watching. We appreciate your support. Maraming-maraming salamat for making us trend always," pasasalamat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

Balikan ang mga kaganapan sa pilot week ng Royal Blood sa exclusive video na ito:

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: