GMA Logo rufa mae quinto on family feud
What's on TV

Rufa Mae Quinto, 'Go go go' sa hulaan sa unang AGOSTOdo episode ng 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published August 1, 2024 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

rufa mae quinto on family feud


“Itotodo na 'to” ni Rufa Mae Quinto ang panghuhula ng survey answers sa 'Family Feud'!

Buena manong maglalaro sa AGOSTodong episodes ng Family Feud ngayong buwan ng Agosto ang batikang comedian-actress na si Rufa Mae Quinto.

Sa teaser ng nasabing game show para sa August 1 episode nito ngayong Huwebes, mapapanood si Rufa na sinasabi ang bagong promo ng programa na “AGOSTOdo na 'to!”

Kasama ni Rufa sa kaniyang Team GO GO GO ay ang kaniyang kapatid na si Gie Sy, ang kaniyang brother-in-law na si Hanz Baleña, at ang kaniyang pinsan at road manager na si Clifford Ponce.

Makakalaban naman ni Rufa ang kaniyang kaibigan at batchmate noon sa Bubble Gang na si Diana Zubiri.

Kabilang sa Team ZUBS ni Diana ang kaniyang mister na si Andy Smith, kapatid na si Zarleen Suzuki, at pamangkin na si Jaja Sarmenta.

Sino kaya sa dalawang teams nina Rufa at Diana ang totodo sa jackpot?

Ngayong Agosto, mas AGOSTOdo pa ang saya at papremyo sa Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Bukod sa papremyo sa “Guess To Win” promo, may inihahanda ring sorpresa para sa studio guests na live na nanonood sa programa.

Tuluy-tuloy lang sa pagtutok sa inyong paborito at patuloy na sinusuportahang weekday game show dahil sa Family Feud, AGOSTOdo na 'to!

Manood ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NI RUFA MAE QUINTO SA GALLERY NA ITO: