
Inamin ni Ruffa Gutierrez na maayos ang relasyon niya ngayon sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Sa katunayan, magkaibigan sila ngayon at nakakapag-usap nang maayos.
Ngunit handa ba siyang magpakasal muli sa kaniyang dating asawa?
Matatandaan na nagkahiwalay sina Ruffa at Yilmaz, at napawalang bisa ang kasal nila noong 2012.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, June 12, inamin ni Ruffa na kung magdiriwang siya ng kaarawan ay ayaw na niya ng maraming guests. Lilimitahan na lang daw niya ito sa 50-80 na katao, at isa sa mga inaasahan niyang dadalo ay si Yilmaz.
“Well, gusto ko si Yilmaz kasi ang tagal na naming hindi nagkita. On the phone, naging magkaibigan na kami, nagtetelebabad na kami, and I think 'pag in person, aabot kami ng mga eight hours siguro kapag nagkwento kami,” pagbabahagi ni Ruffa.
Pag-alala pa ng aktres, may mga playful na pag-uusap na sila ni Yilmaz sa telepono kaya sa tingin niya, kung mag-uusap sila ng harapan ay mas tatagal pa ang kanilang kwentuhan.
“I think it's been more than like 20 years since we last saw each other, since the last time he came to visit me here. So, marami kaming pag-uusapan, especially tungkol sa mga anak namin,” sabi ni Ruffa.
BALIKAN ANG REUNION NI YILMAZ SA MGA ANAK NILA NI RUFFA NA SINA LORIN AT VENICE SA GALLERY NA ITO:
Dahil ibinahagi na rin ni Ruffa sa Beauty Empire media con noong March na gusto umano siyang pakasalan uli ni Yilmaz, tanong ni King of Talk Boy Abunda sa kaniya, “Is there a possibility that you ang Yilmaz would actually get married again?”
Sagot ni Ruffa, “I'm not never ever saying never, but probably not. Because I believe that our friendship now is made to last with the girls. I love our friendship now.”
Ngunit paglilinaw naman ni Ruffa, bukas siya na magkasama sila muli ni Yilmaz sa vacations at sa graduation ng anak nila.
Dagdag pa ng aktres, hindi naman kailangan maging romantic pero, “I think, it'll be nice to have a nice dinner with him.”
Ibinahagi rin ni Ruffa na single ngayon si Yilmaz at hindi totoo ang bali-balitang nagpakasal ito matapos nilang maghiwalay.
Paglilinaw ng actress-beauty queen, nagkaroon ang dating asawa ng fiancée, pero hindi natuloy. Hindi na rin daw siya nagkaanak pa sa iba pagkatapos ng anak nilang sina Lorin at Venice.
Pag-amin ni Ruffa, matagal bago sila naging malapit uli ni Yilmaz, at sinabing maraming taon silang hindi nag-usap at galit sa isa't isa.
Panoorin ang panayam kay Ruffa dito: