GMA Logo Ruru Madrid at Jon Lucas
Source: rurumadrid8
What's on TV

Ruru Madrid at Jon Lucas, puno ng papuri sa isa't isa

By Marah Ruiz
Published March 10, 2025 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid at Jon Lucas


Nagpalitan ng papuri sina Ruru Madrid at Jon Lucas sa muli nilang pagkikita.

Na-miss ng magkaibigan at kapwa Kapuso stars na sina primetime action hero Ruru Madrid at Jon Lucas ang pagtatrabaho kasama ang isa't isa.

Kaya naman talagang kaabang-abang ang muli nilang paghaharap sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Matatandaang huli silang nagkasama sa hit full action series na Black Rider kung na pinagbidahan ni Ruru bilang vigilate na si Elias, habang si Jon naman ang kontrabida at mortal niyang kalaban na si Calvin.

Dito naman sa Lolong: Bayani ng Bayan, makakaharap ng karakter ni Ruru na si Lolong ang karakter ni Jon na si Lizardo sa isang underground fighting arena.


Habang naghahanda para sa kanilang eksena, nagbiruan at nagpalitan ng papuri sina Ruru at Jon.

"Natutuwa ako. Kinikilig ako. Ruru Madrid 'yan eh. Ang dami nang nangyari after ng Black Rider. Nanalo [siya] ng Best Supporting Actor sa Green Bones," lahad ni Jon.

Sinuklian agad ni Ruru and papuri at ginunita ang parangal na natanggap ni Jon.

"Nanalo siya ng Best Supporting [Actor] para po sa Black Rider kaya it's an honor na muli pong makatrabaho ang nag-iisang Jon Lucas--Calvin, one and only--para sa natatatanging pagganap bilang Lizardo," bahagi ni Ruru.

Abangan ang bakbakan nina Ruru Madrid at Jon Lucas sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin ang trailer para sa ika-walong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan: