
Isang panibagong panganib ang haharapin ng mga Sang'gre mula sa lumalakas na hukbo ni Bathalang Gargan (Tom Rodriguez).
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, makikitang binigyan ni Gargan ng basbas ang mga sandata nina Mitena (Rhian Ramos) at Zaur (Gabby Eigenmann). Dahil dito, inaasahang lalo pang titindi ang kanilang kapangyarihan sa layuning wasakin ang buong Encantadia!
Samantala, binabalak ni Sang'gre Adamus (Kelvin Miranda) na gumanti at lusubin ang kampo ng mga kaaway.
Paano kaya haharapin ng mga Sang'gre ang bagong kapangyarihan ng mga kalaban?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, silipin dito ang ilan sa behind-the-scenes ng superserye sa gallery na ito: