GMA Logo Ser Geybin
Courtesy: ser.geybin IG
What's Hot

Ser Geybin marks birthday by buying himself a new car

By EJ Chua
Published June 19, 2026 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

White Ribbon Movement kontra-korapsyon, inilunsad
Fake dentist nabbed in Davao Occidental
Michelle Dee savors the summer with this Italian designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Ser Geybin


Ser Geybin tungkol sa bagong sasakyan: “Minsan lang tayo magregalo sa sarili natin, kaya sulitin natin ang mga bagay-bagay.”

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan kamakailan lang ang Filipino content creator na si Gavin Capinpin na mas kilala bilang si Ser Geybin.

Sa isa sa kanyang latest vlogs, mapapanood ang isang special surprise na tila kakaiba sa kanyang mga naunang content.

Tampok sa vlog ang pagbili niya ng birthday gift para sa kanyang sarili- isang bagong sasakyan.

Dito ay nagpasalamat si Ser Geybin sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya at sinabayan niya ito ng pag-alala tungkol sa pagpapahalaga sa sarili.

“Maraming salamat po sa mga sumusuporta. Kung hindi dahil sa inyo, wala rin ito. At ayun, minsan lang tayo magregalo sa sarili natin, kaya sulitin natin 'yung mga bagay-bagay," sabi niya.

Mapapanood din sa vlog ang reaksyon ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa big purchase niya bilang pa-birthday sa sarili niya.

Courtesy: Ser Geybin (Facebook)

Kilala siya sa pagiging mapagmahal at mapagbigay hindi lang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa kanyang mga kaibigan at maging sa fans at followers.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang nangyari kay Ser Geybin na pansamantalang nagpahinga sa pagba-vlog dahil sa isang medical emergency.

Kasunod ng pangyayaring ito, sinagot at binigyang linaw niya ang mga lumabas na haka-haka tungkol sa kanyang personal na buhay kabilang na ang cheating rumors sa pagitan ng kanyang longtime girlfriend na si Elma Asagra.

Si Ser Geybin ang isa sa most-followed vloggers o content creators ngayon sa bansa.

Siya ang leader ng Team Capinpin na mayroon na ring million followers sa iba't ibang social media platforms.

Related gallery: TikTok creators na may milyon-milyong followers online