GMA Logo Shaira Diaz
What's Hot

Shaira Diaz, may plano na bang magpakasal?

By Dianara Alegre
Published March 17, 2021 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Shaira Diaz sa isyu ng pagpapakasal: “Gusto ko siguradong-sigurado ako and ayoko 'yong pabigla-bigla."

Bibida sa unang offering ng hit drama mini-series na I Can See You sina Kapuso stars Shaira Diaz at Ruru Madrid.

Tampok sila sa “On My Way to You,” na tungkol sa pagkakakilala ng isang runaway bride at ng lalaking tinakbuhan sa altar ng kanyang fiancée.

Sa nakaraang media conference ng I Can See You, nakapanayam ng GMANetwork.com ang lead stars ng mini-series at nagbahagi ang mga ito ng kani-kanilang saloobin tungkol sa pagpapakasal.

Ayon kay Shaira, hindi pa siya handang magpakasal ngayon. Karelasyon niya ang kapwa Kapuso talent na si Edgar Allan Guzman at walong taon na ang kanilang relasyon.

Source: shairadiaz_ (Instagram)

“Para sa akin 'yong marriage sobrang sacred. Sobrang inu-honor ko siya at madami akong goal bago ako pumasok sa ganun,” aniya.

Hindi raw nagmamadali si Shaira at magpapakasal lamang siya kapag handa na siya.

“Gusto ko siguradong-sigurado ako and ayoko 'yong pabigla-bigla,” aniya.

Dagdag ng 25-year-old actress, nais niya muna raw maabot ang mga pangarap niya sa buhay. Hindi rin umano siya nagpapadala sa pressure sa paligid niya.

“Ayoko magpadala sa mga pressure sa paligid ko. Gusto ko sobrang tama 'yong timing bago ako ikasal and na-accomplish ko na 'yong mga goal ko, 'yong mga dreams ko.

“'Yong marriage sobrang grabe ko siya pinahahalagahan and malaki siyang factor sa relasyon namin ni EA,” dagdga pa niya.

Source: rurumadrid8 (Instagram)

Sagrado rin para kay Ruru ang pagpapakasal at wala pa raw ito sa isip niya ngayon.

“Ang katwiran ko diyan kapag nahanap mo na talaga 'yong the one, puwede mo nang gawin 'yan, 'yong magpakasal.

“Like ako, napaka goal-oriented ko na tao, napakarami ko pang gustong ma-achieve sa life, napakarami ko pang gustong matulungan sa buhay,” aniya.

'Tsaka lamang umano papasok sa isip niya ang pagpapakasal kapag sa tingin niya ay nagawa na niya ang goals niya sa buhay.

“So once na ma-settle ko lahat ng mga bagay na 'yon, 'tsaka pa lang papasok sa isip ko 'yong bagay na 'yan.

“Hindi ko pa nagagawa 'yong mga bagay na gusto ko pang gawin mag-isa,” lahad niya.

Para kay Ruru naman, nais n'ya munang mag-focus sa kanyang career. Siya romantically linked kay Bianca Umali.

Samantala, bukod kina Shaira at Ruru, kabilang din sa cast ng “On My Way to You” sina Arra San Agustin at Gil Cuerva habang may special participation naman dito ang bagong Kapuso star na si Richard Yap at ang aktres na si Malou de Guzman.

Mula sa direksyon ni award-winning director Mark Reyes, mapanonood na ang “On My Way to You” simula March 22 sa GMA.

Silipin ang behind-the-scenes photos sa lock-in taping ng “On My Way to You” sa Antipolo sa gallery na ito:

Related content:

Sylvia Sanchez and EA Guzman laud Shaira Diaz for 'I Can See You Season 2' stint

Fans express excitement over 'I Can See You' Season 2 premiere