
Bumisita ang aktres na si Sheryl Cruz sa puntod ng yumaong "Reyna ng Pelikulang Pilipino" at kaniyang tiyahin na si Susan Roces sa Manila North Cemetery, kahapon, June 24, bilang pag-alala sa ika-40 araw ng kamatayan nito.
Sa Instagram, ibinahagi ni Sheryl ang mga larawan ng kaniyang pagbisita sa himlayan ng kaniyang Mama Inday. Dito ay makikitang nag-alay ng bulaklak at kandila ang aktres.
Sa pamamagitan ng hashtags idinaan ni Sheryl ang caption sa kaniyang post.
"#VisitingMyMamaIndayOnHer40thDay, #MissYouEverySingleDay, #ILoveYouMamaInday," sulat ni Sheryl.
Isa si Susan sa nagpalaki kay Sheryl mula pagkabata hanggang sa ito ay mag-artista. Si Sheryl ay anak ng bunsong kapatid na babae ni Susan at dating aktres na si Rosemarie Sonora.
Sa pagpanaw ni Susan, binalikan ni Sheryl ang ilang mga larawan nila na magkasama at kaniya itong ibinahagi sa social media.
Gabi ng May 20, 2022, nang ibalita ng anak ni Susan na si Senadora Grace Poe ang pagpanaw ng batikang aktres sa edad na 80 dahil sa cardiopulmonary arrest.
Samantala, balikan ang mga alaala ni Susan Roces sa gallery na ito: