
Sa kabila ng kanilang pagiging abala sa sunod-sunod na proyekto, game na game pa rin na nagpasaya ng kanilang fans ang tambalang Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa ginanap na “Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat” nitong Linggo, November 20, 2022.
Natutuwa sina Sofia at Allen sa mainit na suporta ng kanilang fans hindi lang online kung 'di pati na ang mga dumagsa sa Skydome upang sila ay makita at mapanood na mag-perform.
Sa Instagram, idinaan ng Sparkle sweethearts ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga tagasuporta.
"Thank you to all Kapuso fans who came last night. Sa mga ka Team Jolly and to my Sofia Natics, maraming maraming salamat for always being with us everywhere we go. Mahal namin kayo," mensahe ni Sofia.
"Maraming salamat sa lahat ng Kapuso fans na nandun kagabi! At sa mga ka Team Jolly at AllenNatics, maraming salamat sa walang sawang supporta samin ni Aki @sofiapablo palagi!" mensahe naman ni Allen.
Sa nasabing post, makikita rin ang larawan nina Sofia at Allen suot ang kanilang customized shirts mula sa isang clothing brand na kanilang bagong ineendorso.
Samantala, excited na rin sina Sofia at Allen sa pagsisimula kanilang much-awaited series na Luv is: Caught in his Arms na first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios.
Ang nasabing series ay ang TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na Caught in his Arms na bibigyang buhay nina Sofia at Allen kasama ang Sparkada heartthrobs na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.
Kasama rin sa naturang series ang ilan pa sa Sparkada members na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos. Kaabang-abang din ang magiging karakter dito ng dating Artikulo 247 actress at TikTok girl na si Rain Matienzo.
Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.
SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO:
\