
Sa episode na ipinalabas noong September 30, muling nakakuha ng mataas na ratings ang GMA drama series na Start-Up PH.
Sa tala ng NUTAM People Ratings (Nielsen Phils.TAM), nakakuha ng 11.0 percent na ratings ang nasabing series, mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations.
Sa naturang episode na ito, napanood ng mga Kapuso kung paano muling nagkatagpo sina Tristan “Good boy” Hernandez at Danica “Dani” Hernandez (Alden Richards at Bea Alonzo).
Sa muli nilang pagkikita, ilang beses iniligtas ni Tristan si Dani.
Napanood din ng mga Kapuso, ang ilang nakakakilig nilang mga eksena.
Noong September 26 hanggang September 28, nakakuha ng 9.5 to 9.7 percent na rating ang programa.
Noong September 29 naman, nakakuha ng 10.6 percent na rating ang Start-Up PH.
Ang Start-Up PH ay ang Pinoy adaptation ng hit Korean series na Start-Up.
Ito ay pinagbibidahan ng Kapuso stars na sina Alden Richards at Bea Alonzo kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.
Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.
Mapapanood din ang bagong programa sa GMA PinoyTV.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: