
Sobrang na-appreciate daw ni Sunshine Garcia ang suportang ibinibigay ng kanyang asawa, si Bulacan Vice Governor Alex Castro, sa lahat ng nakaraang concerts ng SexBomb Girls.
Sa social media, makikita ang viral videos ni Alex na todo suporta, hindi lang sa kanyang asawa kundi sa lahat ng miyembro ng grupo, sa mga ginanap na Get Get Aw! concert.
Ayon kay Sunshine, inamin daw sa kanya ni Alex na dati ay hindi niya pinapansin ang sikat na all-female pop group.
“Yung totoo, sabi niya, 'Mama, kilala ko ang SexBomb. Alam ko na sikat kayo. Nag-show na nga kayo dito malapit sa amin. Pero hindi ko kayo pinapansin kasi, huwag kang mao-offend, parang normal, yung pang-masa.'
“Pero nung napanood niya, yung buo, sabi niya, 'Hindi ko alam na ganyan pala kayo mag-show, mag-concert, mag-perform.' 'Tapos, lagi na siyang nanonood ng mga performance namin," kuwento ng actress-dancer sa GMANetwork.com at iba pang entertainment media kamakailan.
Related gallery: SexBomb Girls light up Araneta with nostalgic 'Get, Get Aw!' reunion concert
Ikinatutuwa raw nang husto ni Sunshine ang pagsuporta ni Alex.
“Yung support niya talaga, hindi lang sa akin, sa grupo na nandodoo, e. Nakita niya kasi yung iba na parang okay naman ang buhay. Yung iba, medyo sakto lang. Yung iba, medyo… di ba? So ngayon nakikita niya na na-level up na.
“So sabi niya nga, 'Meron pa kayo ibang bansa. Iba na mama, hindi nakita maabot, ha, mag-ipon ka.”
Bukod sa upcoming “rawnd 6” ng Get Get Aw! concert, magkakaroon na rin sila ng show sa probinsya maging sa abroad tulad ng America, Dubai, Abu Dhabi, at Australia.
Pero maaaring di na raw makakasama si Alex sa kanilang shows abroad.
Paliwanag ni Sunshine, “Parang sabi niya, 'Isang beses lang kita masasamahan.' Kasi, never pa yan, simula nung natapos yung campaign, hindi siya nag-vacation talaga.
“Usually kasi nag-vacation kami para mag-reset siya. Ngayon, hindi pa siya nag-vacation. So, sinabihan niya naman ako na hindi siya makakasama sa lahat. Kailangan niya mag-work. At sabi ko rin naman, ano to, hindi na pwede kasi baka mamaya ma-issue pa.”
Related gallery: Sunshine Garcia and Alex Castro's sweetest photos