What's Hot

Teaser poster at cast ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan,' ibinahagi na ng GMA Pictures

By Maine Aquino
Published March 14, 2025 6:51 PM PHT
Updated March 15, 2025 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Samahan Ng Mga Makasalanan


Narito na ang cast na aabangan sa pelikulang 'Samahan Ng Mga Makasalanan' ng GMA Pictures.

Inilabas na ng GMA Pictures ang listahan ng mga "makasalanan" sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan.

Ang Samahan Ng Mga Makasalanan ay ang pelikulang handog ng GMA Pictures na ipapalabas sa April 19.

Ayon sa post ng GMA Pictures sa kanilang ni-release na teaser poster, " LISTAHAN NG UTANG ❎ LISTAHAN NG MGA 'MAKASALANAN' ✅

"Narito na ang mga kasapi ng 'Samahan ng mga Makasalanan' -- pramis, hindi sila napilitan! Sa direksiyon ni Benedict Mique. Panulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.

"Ngayong April 19 na sa mga sinehan nationwide! #SamahanNgMgaMakasalanan"

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Mapapanood sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan ang pagganap ni David Licauco bilang Deacon Sam. Kasama rin sina Sanya Lopez na gagampanan ang karakter na Mila at si Joel Torre bilang Father Danny.

Kabilang rin sa mga ipinakilalang cast sa Samahan Ng Mga Makasalanan sina Soliman Cruz bilang Boss Luis, Betong Sumaya bilang Mayor Damonyo, Chariz Solomon bilang Tin Chismosa, Liezel Lopez bilang Cindy, Jade Tecson bilang Wendy, Jun Sabayton bilang Boss Taya, Jay Ortega bilang Junior the Chop2x Boy, Buboy Villar bilang Boy Nakaw, at David Shouder bilang Pester.

Samantala, abangan ang mga gagampanang mga karakter nina Chanty Videla, Liana Mae, Shernan Gaite, Tito Abdul, Tito Marsy, Christian Singson, Yian Gabriel, Batmanunulat, at Euwenn Mikaell.

Abangan ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa mga sinehan sa April 19. Ityo ay sa direksiyon ni Benedict Mique at sa panulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.