GMA Logo Kylie Padilla Max Collin and Rocco Nacino
What's on TV

The Good Daughter: Ipinagtapat na ni Ziri ang pag-ibig kay Darwin | Week 7

By Aimee Anoc
Published September 30, 2021 9:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla Max Collin and Rocco Nacino


Nalaman na ni Bea ang lihim na pagtingin ni Ziri kay Darwin.

Sa ikapitong linggo ng The Good Daughter, nalaman na ni Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla) na may pagtingin kay Darwin ang kaibigang si Ziri (Max Collin).

Upang hindi na masaktan pa ang kaibigan, pinili na lamang ni Bea na lumayo kina Ziri at Darwin (Rocco Nacino). Dahil wala nang ibang matutuluyan, napagdesisyunan ni Bea na tumira na lamang sa kanyang lolang si Lourdes Atilano (Luz Valdez) sa probinsya.

Kasalukuyang tumutuloy si Frances (LJ Reyes) sa bahay ng kanyang boyfriend na si Paul (Dion Ignacio) matapos na palayasin ni Rico Guevarra (Raymond Bagatsing) sa mansyon. Nagkataong pagmamay-ari ng pamilya ni Paul ang lupang sinasaka ng lola ni Bea.

Nais nang paalisin ng pamilya ni Paul ang mga magsasaka dahil sa ipagbibili na nila ang kanilang lupain. Patuloy namang lumalaban ang mga magsasaka sa kanilang karapatan sa lupa.

Nang malaman ito ni Frances, agad siyang gumawa ng paraan para pahirapan si Bea. Pero hindi siya nagtagumpay dahil hindi na muling nagpaapi sa kanya si Bea.

Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:

The Good Daughter: Bea bids Ziri goodbye | Episode 31

The Good Daughter: Ziri's first heartbreak | Episode 32

The Good Daughter: Bea is in danger | Episode 33

The Good Daughter: Darwin's new life | Episode 34

The Good Daughter: Bea fights back | Episode 35