GMA Logo the good daughter
What's on TV

The Good Daughter: Ipinagtapat ni Darwin ang tunay na nararamdaman kay Bea | Week 6

By Aimee Anoc
Published September 27, 2021 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

the good daughter


Pinalayas na ni Rico si Frances sa mansyon.

Sa ikaanim na linggo ng The Good Daughter, tuluyan nang napalayas sa mansyon si Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla).

Para tuluyang maipakilala ang sarili bilang legal na asawa ni Rico Guevarra (Raymond Bagatsing), inimbitahan lahat ni Sharon Alejandro (Alicia Mayer) ang mga mayayamang kaibigan ni Rico. Pinaghandaan niya rin ito nang husto.

Kahit na umalis na si Bea sa mansyon, patuloy pa ring inaalam ni Rico ang kalagayan ng anak sa ina ni Ziri (Max Collin) kung saan ito pansamantalang nanunuluyan.

Sa pagdiriwang na inihanda ni Sharon, nalaman ni Rico na totoo ang lahat ng sinasabi ni Bea na si Frances (LJ Reyes) ang naglagay ng drogang natagpuan sa bag ng anak. Kaya naman agad na nagpunta si Rico sa handaan at pinalayas si Frances sa mansyon.

Sobra naman ang takot ni Frances na baka ipakulong siya ni Rico. Ipinangako naman ni Sharon sa anak na gagawin nito ang lahat para hindi siya makulong.

Samantala, ipinagtapat na ni Darwin (Rocco Nacino) ang tunay na nararamdaman kay Bea. Pero ang hindi alam ni Bea ay may lihim na pagtingin si Ziri para kay Darwin.

Nang malaman ni Bea ang tunay na nararamdaman ni Ziri para kay Darwin, siya na mismo ang nagdesisyong lumayo dahil ayaw niyang masaktan ang kaibigan.

Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:

Inside link: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tag/the_good_daughter

Please embed:

The Good Daughter: Bea and Darwin's growing friendship | Episode 26

The Good Daughter: A surprise gift for Bea | Episode 27

The Good Daughter: Ziri's dangerous coping mechanisms | Episode 28

>

The Good Daughter: France's true colors | Episode 29

The Good Daughter: A kiss of betrayal | Episode 30