
Sa ikasampung linggo ng The Good Daughter, si Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla) na mismo ang nakahuli sa pangangaliwa ni Sharon (Alicia Mayer) sa kanyang amang si Rico Guevarra (Raymond Bagatsing).
Natuklasan na rin ni Bea na peke ang nurse ng kanyang ama kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para gumaling ito.
Nalaman na rin ni Lourdes Atilano (Luz Valdez) na hindi namatay sa sunog ang kanyang anak na si Tina Atilano Guevarra (Glydel Mercado).
Dahil sa natuklasan ni Lourdes, gumawa ng paraan si Sharon para hindi ito makaalis ng mansyon at makapagsumbong sa awtoridad.
Samantala, inamin na ni Ziri (Max Collins) sa kanyang ina na buntis siya at si Darwin (Rocco Nacino) ang ama.
Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:
The Good Daughter: Bea swallows her pride | Episode 46
The Good Daughter: One point for Frances | Episode 47
The Good Daughter: Mario betrays Sharon | Episode 48
The Good Daughter: Ziri is pregnant | Episode 49
The Good Daughter: Rico's slow progress | Episode 50