GMA Logo Raymond Bagatsing and Alicia Mayer
What's on TV

The Good Daughter: Nalaman na ni Rico na si Sharon ang pumatay kay Tina | Week 8

By Aimee Anoc
Published October 13, 2021 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Raymond Bagatsing and Alicia Mayer


Sinabi na ni Julia kay Rico na si Sharon ang dahilan sa pagkamatay ni Tina.

Sa ikawalong linggo ng The Good Daughter, sinadya nang puntahan ni Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla) at ng kanyang lolang si Lourdes Atilano (Luz Valdez) ang bahay ni Don Manuel (Chinggoy Alonzo) para sabihin ang panggigipit na ginagawa sa kanila ni Frances (LJ Reyes).

Kasalukuyang tumutuloy si Frances sa bahay ng kanyang boyfriend na si Paul (Dion Ignacio) matapos na palayasin sa mansyon. Nagkataon namang pagmamay-ari ng pamilya ni Paul ang lupaing sinasaka ng lola ni Bea.

Kaya nang malaman ito ni Frances, iba't ibang pagpapahirap ang ginawa nito kay Bea tulad na lamang ng pagpatay sa kalabaw ni Lourdes.

Sa pag-uwi sa kanilang bahay, muli namang nagkrus ang landas nina Bea at Darwin (Rocco Nacino). Hindi pa rin kasi sumusuko si Darwin na pagbentahan ng fertilizer ang mga magsasaka at kasama na rito ang lola ni Bea.

Samantala, nalaman na ni Rico Guevarra (Raymond Bagatsing) ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng dating asawang si Tina Atilano-Guevarra. Binalaan na rin nito si Sharon (Alicia Mayer) na siya mismo ang magpapakulong dito.

Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:

The Good Daughter: Frances' evil ways | Episode 36

The Good Daughter: Darwin avoids his first love | Episode 37

The Good Daughter: Bea rejects Darwin's love | Episode 38

The Good Daughter: Sharon gets caught red-handed | Episode 39

The Good Daughter: Frances abandons Darwin | Episode 40