
Sa ikasiyam na linggo ng The Good Daughter, tuluyan nang nabaliw si Rico Guevarra (Raymond Bagatsing) dahil sa gamot na itinuturok ni Sharon (Alicia Mayer).
Nang malaman ni Sharon na kay Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla) lahat ipapamana ni Rico ang ari-arian nito, gumawa siya ng paraan para mabaliw ito. Gayundin, para mapagtakpan ang katotohanan na siya ang pumatay kay Tina Atilano-Guevarra.
Samantala, nakaligtas na mula sa kamatayan si Darwin (Rocco Nacino) matapos itong mabaril. Dahil sa walang perang panggastos para sa operasyon ni Darwin, humingi ng tulong si Bea kay Sharon kapalit ng kasunduang lalayuan na niya ito.
Dahil sa walang matutuluyan matapos na masunog ang tinitirhang bahay sa probinsya, pansamantalang nanuluyan sina Bea at ang kanyang lolang si Lourdes (Luz Valdez) sa bahay ng kaibigang si Ziri (Max Collins).
May pag-asa pa kayang gumaling si Rico?
Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:
A good news for Bea | Episode 41
Rico's horrible situation | Episode 42
Bea agrees to meet Darwin | Episode 43
Sharon's fear of Rico's recovery | Episode 44
Sharon tortures Julia | Episode 45