
Umpisa na ang high-energy kwentuhan at palaro kung saan ang "POV mo, panalo!" sa pinakabagong original game show na The People Have Spoken!
Ngayong Sabado (June 6), makakasama na natin ang newest Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Present din ang ating unang celebri-peep pair na sina Joy Barcoma at Baus Rufo na magbabahagi ng kanilang candid at madalas ay nakakatawang opinyon kasama ang 100 studio audience members (The People) tungkol sa iba't ibang paksa at isyu.
Ang pinakaunang pupulso ng boses ng People ay ang ating Kapuso hosts at journalists mula sa GMA morning show na Unang Hirit!
Bubuo sa Team Sanzi sina Susan Enriquez at Suzi Entrata. Kakalabanin naman sila ng Team Malyn na sina Mariz Umali at Lyn Ching.
Sino kaya sa ating celebrity pairs ang mananalo ng cash prize?
Huwag palampasin ang pilot episode ng The People Have Spoken, Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok din sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Kilalanin ang ating celebri-peeps sa gallery na ito: