
Para sa susunod na episode ng reality kiddie singing competition na Centerstage, mapapanood na ng viewers ang bagong virtual set ng show kung saan gumamit ng advanced technology na unang beses pa lamang mapapanood sa Philippine TV.
Alinsunod sa safety protocols na ipinatupad ng gobyerno, hindi na kinailangang magtungo ng kid contestants sa actual studio para mag-perform.
Sa kani-kanilang bahay na lang sila pinuntahan ng staff ng show at doon kinunan.
Bago pa man mapabilib ng Centerstage ang viewers, una nang nagpahayag ng kanilang paghanga sa nasabing virtual set ng hosts na sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Betong Sumaya, at judges nitong sina Concert Queen Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Mel Villena.
“Nung umeere pa siya nung pre-pandemic days, gusto naming mai-deliver 'yung same experience na 'yon in this new normal way of delivering the show.
“Another first na naman 'to ng GMA, another breakthrough na naman ng GMA, the first television show to use a virtual set. 'Yung virtual set kailangan abangan nila 'yan sa pagbabalik namin,” lahad ni Alden sa ginanap na virtual media conference ng Centerstage.
Source: popsfernandezofficial (Instagram)
Ibinahagi rin ni Pops ang kanyang paghanga sa mga tao sa likod ng programa para sa kanilang dedikasyon sa trabaho.
“When we got to the set, parang naiyak ako because, 'yun na nga, anything is possible if we really put our heads together and if there's really so much dedication, passion, and love for your work. That's exactly what you gonna see sa 'Centerstage',” aniya.
Dagdag pa ng Concert Queen, “Mas amazed pa rin ako dun sa team behind Centerstage for the amount of work, effort, energy, and dedication that they have for 'Centerstage.
“Ang hindi ko na-imagine is they went way over my expectations para lang maibalik ang 'Centerstage' at maibalik namin ang mga bata on TV again.”
Source: aicellesantos (Instagram)
Hindi naman umano napigilan ni Aicelle na mapa-“wow” nang makita ang virtual set.
“The only way this show will continue is to have kids sing in their own homes kasi bawal silang lumabas. Nung narinig ko 'yun sabi ko, 'Aba, mahirap na trabaho ang gagawin ng staff. Mabusising-mabusisi, isa-isa talaga.
“Nung nag-taping kami, nalaman namin ang lahat ng sinuong ng 'Centerstage' staff talagang nasabi ko na 'Wow! Ang galing!'
“I'm really thankful and honored to be part of the show,” sabi pa niya.
Malaking karangalan din umano kay Mastro Mel na maging bahagi ng show.
“We didn't dream of it that way because we didn't see anything like it sa local TV. Now Buena Mano kami 'yung nandito, what an honor,” aniya.
Abangan ang pasabog na virtual set ng Centerstage sa Linggo, February 28, 7:40 pm, sa GMA.
Samantala, mas kilalanin pa ang multi-awarded judges ng Centerstage sa gallery na ito: