GMA Logo Underage series in TikTok
What's on TV

'Underage' earns more than 100M views on TikTok

By Dianne Mariano
Published April 17, 2023 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ubay, Bohol mayor dies at 58
Straight from the Expert: Trending Hobbies - Running
RESULTS: 2026 Philippine Climbing Nationals - Boulder

Article Inside Page


Showbiz News

Underage series in TikTok


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa mga tumitinding tagpo ng coming-of-age drama series na 'Underage.'

Hindi lamang sa telebisyon sinusubaybayan ng mga manonood ang mga matitinding tagpo ng afternoon drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, kung hindi pati sa social media.

Umabot na sa mahigit 100 million views ang #UnderageGMA sa short-video streaming app na TikTok. Tampok dito ang episodes, matitinding mga eksena, behind-the-scenes clips ng programa, pati na rin ang fan-made videos mula sa mga manonood.


Kasalukuyang mayroong mahigit 5 million views ang behind-the-scenes clip nina Lexi, Elijah, at Hailey sa official TikTok account ng GMA Network. Sa gitnang parte ng video, makikita na habang tumatakbo si Elijah Alejo, na gumaganap bilang si Chynna, ay bigla siyang nadapa ngunit kaagad ding nakatayo at nagpatuloy sa eksena.

@gmanetwork “THE SHOW MUST GO ON.” 👏🏻 Elijah Alejo, nadapa habang tumatakbo sa set ng #UnderageGMA! #BehindTheCurtains #fyp ♬ original sound - GMA Network


Bukod sa mataas na online views, patuloy na namamayagpag ang TV ratings ng naturang programa.

Noong nakaraang Huwebes (April 13), nakapagtala ng 8.3 percent ratings ang 62nd episode ng Underage, ayon sa NUTAM People Ratings.

PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)


Patuloy na tumutok sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Maaari ring i-stream ang full episodes ng Underage at ng ibang GMA shows sa GMANetwork.com o GMA Network App.

SILIPIN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NINA LEXI GONZALES, ELIJAH ALEJO, AT HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO.