GMA Logo Vice Ganda
What's on TV

Vice Ganda, 'nag-walk out' sa 'Family Feud?'

Published April 7, 2024 5:07 PM PHT
Updated April 7, 2024 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Yukien Andrada pens heartfelt message as his San Beda stint ends
January 1, 2026: Balitang Bisdak Livestream
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Napikon nga ba si Vice Ganda sa taping ng 'Family Feud' kaya siya napa-walk out sa set?

Napikon nga ba at nag-walk out ba si Vice Ganda sa taping ng Family Feud?

Ito rin ang tanong ng netizens nang mapanood ang unang teaser ng guesting ng It's Showtime cast sa top-rating game show ng GMA Network.

Sa teaser ay makikitang tila inaawat si Vice ng teammates niyang sina Jhong at Jugs.

Ayon sa ilang miyembro ng produksyon, kinuwestyon daw ni Vice ang tila hindi pagsunod ni Ogie Alcasid sa rules ng game.

Nanindigan naman ang Team Anne na walang nilabag ang beteranong singer at composer.

Napigilan kaya nila si Meme Vice sa pagwo-walk out? O totoo kaya ang haka-hakang naging cause of delay ang It's Showtime host sa Family Feud episode na ito?

Mas pinaaga ang airing ng 'Showtime' episode sa Family Feud ngayong Lunes. Sa halip na 5:40 pm, mapapanood ang programa simula 5:35 pm.

Ang uncut version naman ng It's Showtime guesting ay agad-agad ding mapapanood sa official Facebook at YouTube accounts ng Family Feud matapos itong ipalabas sa GMA Network.

MAS KILALANIN ANG IT'S SHOWTIME HOSTS SA GALLERY NA ITO: