GMA Logo Kuya Kim Ano Na
Source: GMA News / 24 Oras
What's Hot

Videos ng '#KuyaKimAnoNa' segment ni Kuya Kim sa '24 Oras,' may mahigit 12M views na sa Facebook

By Jimboy Napoles
Published November 12, 2021 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH athletes, officials raise concerns over alleged irregularities at 2025 SEA Games
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Ano Na


Umabot na sa mahigit 12 million ang total views ng uploaded videos sa Facebook ng "#KuyaKimAnoNa" segment ni Kuya Kim Atienza sa '24 Oras.'

Mahigit isang buwan nang regular na napapanood si Kuya Kim Atienza sa flagship news program ng GMA na 24 Oras. Mahigit isang buwan na rin siyang naghahatid ng trivia sa likod ng mga trending na balita sa mga Kapuso viewers. Ang kaniyang segment na "#KuyaKimAnoNa" mabilis na pumatok at kinagat ng masa. Sa katunayan, ang ilan sa kaniyang mga videos ay umabot na sa 12 million ang total video views sa Facebook.

Ang video ng kaniyang report tungkol sa isang buwaya sa Australia na nag-viral matapos nitong biglang sakmalin ang isang lumilipad na drone, kung saan umabot na sa 4.6 million views.

Pumalo naman sa mahigit sa 3 million ang video views ng kaniyang report tungkol sa pag-aalaga ng arowana na pinaniniwalaang pampaswerte raw sa buhay. Tampok din dito ang viral video ng isang lalaki na pumasok sa loob ng aquarium para sana ay linisin ito, pero ang alaga nitong arowana ay bigla na lamang tumalon.

Kinagiliwan din ng netizens ang kaniyang trivia tungkol sa kung paano ba makakukuha ng premyo sa claw machine sa mga gaming arcades. Ang video na ito mayroon nang 3.1 million video views.

Maraming netizens din ang naaliw sa report ni Kuya Kim tungkol sa mga nakasanayang laro ng mga Pinoy na inihalintulad niya sa Korean games na ipinakita sa sikat na Netflix series na Squid Game. Ang total video views nito nasa 1.8 million na.

Ang kaniya namang pagbisita sa National Planetarium sa Maynila, nasa 1.4 million na ang total video views.

Kung susumahin, nasa mahigit 12 milyon na ang total views ng #KuyaKimAnoNa videos na ito sa Facebook. Patunay na marami sa mga Kapuso viewers ang hooked sa pa-trivia ni Kuya Kim araw-araw.

Bukod naman sa 24 Oras, mapapanood din si Kuya Kim sa Mars Pa More kasama sina Iya Villania at Camille Prats, araw-araw din siyang mapapanood sa Dapat Alam Mo! sa GTV kasama naman sina Emil Sumangil at Patricia Tumulak.

Ang matagumpay na pagsisimula ni Kuya Kim bilang bagong Kapuso ay ikinatuwa rin ng kaniyang dating mentor sa ulat-panahon na si Nathaniel "Mang Tani" Cruz. Hindi raw kasi nito naisip noon na magkakasama sila isang istasyon ni Kuya Kim kaya naman very proud daw siya rito.

"Many, many years ago no'ng tinuturuan ko siya I was in PAGASA, he'll be going to ABS-CBN and then that's it... Hindi ko inisip na darating ang panahon na kaming dalawa ay magkakasama sa isang istasyon," sinabi ni Mang Tani sa GMANetwork.com.

"Masaya ako bilang dating nagturo kay Kuya Kim and I am so proud na hindi niya itinatago na ako ang naging mentor niya, kaya Kim, I am proud of you," pahayag pa ni Mang Tani.

Samantala, mas kilalanin pa ang Kuya ng kaalaman na si Kuya Kim sa gallery na ito: