GMA Logo Park Min-young and Seo Kang-joon
What's Hot

When The Weather is Fine: Ang pagkakataon ni Hannah na muling mayakap si Joshua | Finale

By Aimee Anoc
Published November 5, 2021 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Park Min-young and Seo Kang-joon


Ang pagbabalik ni Hannah sa Bukhyun.

Sa huling linggo ng When The Weather is Fine, muling nagbalik sa probinsya si Hannah (Park Min-young).

Dahil sa pag-aakala na aalis na ang kanyang tita sa Bukhyun, agad na nagpunta si Hannah sa guest house nito. Nagtaka naman ang kanyang tita kung bakit nagbalik si Hannah at tinanong kung hanggang kailan ito mananatili sa probinsya.

Inamin ni Hannah na hindi siya pumasa sa interview para muling makapagturo sa Seoul. Dahil dito, pinagdesisyunan ni Hannah na magtayo na lamang ng studio kasama ang kanyang kaibigan. Sinabi rin ni Hannah na mananatili siya sa Bukhyun ng isang linggo.

Habang kumakain kasama ang kanyang ina at tita, nakita ni Hannah si Joshua (Seo Kang-joon) sa labas ng kainan. Muling nagbalik ang pangungulila at pag-aasam nito.

Nang pasakay na sana ng kanyang sasakyan, napatigil si Joshua nang may marinig na pamilyar na boses sa kanyang likuran, dito nakita niya si Hannah.

Kahit na nababalot ng kaba, tinanong ni Hannah si Joshua kung saan ito pupunta dahil may mga dala itong bulaklak. Agad namang sumagot si Joshua na dadalawin niya ang namayapang ina.

Sa pag-alis ni Joshua, hindi na napigilan ni Hannah ang nararamdaman at hinabol ito. Agad namang itinigil ni Joshua ang sasakyan nang makitang hinahabol siya ni Hannah.

Agad na niyakap ni Hannah si Joshua paglabas ng sasakyan. Humingi naman ng tawad si Hannah sa ginawa niyang pagyakap kay Joshua at sinabing hindi lang niya napigilan ang sarili.

Sa pag-alis ni Hannah, tinanong siya ni Joshua kung hanngang kailan siya mananatili sa Bukhyun. Ngiti lamang ang isinagot ni Hannah sa tanong na ito ni Joshua.

Samantala, balikan ang mga eksena sa When The Weather is Fine:

When The Weather is Fine: Hannah's miserable past | Episode 15

When The Weather is Fine: Cuddle weather for Hannah and Joshua | Episode 16

When The Weather is Fine: The secret lovers dilemma | Episode 17

When The Weather is Fine: Hannah learns the painful truth | Episode 19

When The Weather is Fine: Joshua bids goodbye | Episode 20