GMA Logo Wilbert Tolentino and Herlene Budol
Celebrity Life

Wilbert Tolentino, nakatanggap ng touching message mula kay Herlene Budol sa kanyang ika-48 kaarawan

By Gabby Reyes Libarios
Published May 22, 2023 10:59 AM PHT
Updated May 28, 2023 11:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Wilbert Tolentino and Herlene Budol


All out din sa performance ang 'Magandang Dilag' star na si Herlene Budol sa naturang event.

Bonggang-bongga ang naging 48th birthday blast ng talent manager and businessman na si Wilbert Tolentino sa Palacio de Manila last week. Bukod sa dinaluhan ito ng pinakamalalapit na pamilya't kaibigan ni Wilbert, may mga artista rin ang nakisaya sa naturang selebrasyon.


Base sa dami ng mga nagpaabot ng kanilang birthday wishes, 'di maikakaila na marami-rami na rin ang natulungan ni Wilbert. Bukod pa sa mga taong nakapaligid sa kanya, mayroon na rin siyang naging outreach programs in the past para sa mga kapus-palad.

Kaya 'di mapagsidlan ang tuwa ni Wilbert nang makita na in full force na dumalo ang kanyang mga alaga at malalapit na kaibigan sa industriya. Nang makapanayam siya ng media, sinabi ni Wilbert na wish niya ang good health para sa sarili para mas marami pa siyang matulungan in the future.

"'Yun naman talaga 'yung mission and vision ko para sa lahat, ang makatulong pa sa marami," sabi ni Wilbert, habang nakasuot ng kanyang "Voltes V-inspired" na outfit.

Bidang-bida sa masayang event ang isa sa pinakakilalang "alaga" ni Wilbert, ang star ng Kapuso serye na Magandang Dilag na si Herlene Budol.


Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na malaki ang naging role ni Wilbert sa buhay ni Herlene. Bukod sa ito ang tumayong "father figure" para sa aktres, siya rin ang naggabay kay Herlene para makamit ang kanyang pangarap na maging isang beauty queen.

Matatandaan na kasa-kasama na ni Herlene ang sikat na entrepreneur no'ng mas naging pursigido na siya sa kanyang beauty pageant career. Si Wilbert din ang kasama ni Herlene no'ng siya'y mag-compete (at mag-back out) sa Miss Planet International sa Uganda noong November 2022.

Bukod sa kuntodong ayos na animo'y nasa isang grand ball, bigay-todo rin ang komedyana sa kanyang dance performance para sa birthday celebrant.


Hindi kailanman itinago ni Herlene na malaki ang naitulong ni Wilbert sa kanya at kanyang pamilya. Para sa mga di nakakaalam, nakatanggap si Herlene ng house and lot sa Rizal mula kay Wilbert noong nakaraang taon.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Herlene na kahit pagod na siya no'ng araw na 'yon dahil "naglagare" pa siya ng trabaho, sinigurado niyang hindi niya mami-miss ang big night ni Wilbert.

"After taping sa Kapuso network! lagare si Hipon Girl nyo sa 48th bday show kay Boss, Amo, Manager o Mima @sirwil75 kagabi. Ok lang kht Pagod basta masaya kaming tatlo. Salamat sa pag alaga mo sa amin ni Ate @madaminutz20. We love you at sana huwag kang mamatay version 2.0…"

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Dumalo rin ang Sparkle hunk na si Derrick Monasterio, ang singer na si Sheryn Regis, ang komedyanteng si Wacky Kiray, at ang social media sensation na si Madam Inutz.