What's on TV

World premiere ng 'Babawiin Ko Ang Lahat,' nakapagtala ng mataas na ratings!

By Aedrianne Acar
Published February 24, 2021 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate to take up anti-political dynasty, LEDAC measures upon resuming session
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026
Farm to Table: (May 3, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

World premiere of Babawiin Ko Ang Lahat


Ang world premiere ng 'Babawiin Ko Ang Lahat' noong February 22 ay nanguna sa puso ng televiewers sa hapon.

Mainit ang pagtanggap ng mga Kapuso sa first episode ng pinakabagong Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat na nagsimulang umere noong Lunes, February 22.

Bukod sa naging top trending topic ito sa Twitter Philippines, nakakuha din ang world premiere ng Babawiin Ko Ang Lahat ng double digit ratings.

Base sa datos mula sa NUTAM People Ratings, nakamit ng show ang 10.4% rating. Nakapagtala din ng panalong ratings ang Magkaagaw (9.8%) at ang Bilangin ang Bituin sa Langit (9.3%).

Manood araw araw ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw

Heto pa ang ilan sa positive comments ng netizens tungkol sa world premiere ng Babawiin Ko Ang Lahat.

Kahapon, February 23, muling nakita ni Dulce (Carmina Villarroel) ang dating asawa na si Victor (John Estrada) na iniwan nito para sa magandang buhay sa Japan.

Ano ang gagawin niya na ang lalaking binalewala niya noon dahil mahirap ay successful businessman na ngayon at may bago pang pamilya?

Paano naman tatanggapin ni Iris (Pauline Mendoza) na may isa pang pamilya ang kanyang Daddy Victor?

Sundan ang mga mangyayari sa Babawiin Ko Ang Lahat sa oras na 3:25 PM, Mondays-Fridays pagkatapos ng Magkaagaw.

Balikan ang naging lock-in taping experience ng buong cast sa probinsya ng Batangas sa gallery below!

HIGHLIGHTS: 'Babawiin Ko Ang Lahat' world premiere

Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'

Why does Pauline Mendoza want to work with John Estrada again?