What's on TV

HIGHLIGHTS: 'Babawiin Ko Ang Lahat' world premiere

By Aedrianne Acar
Published February 23, 2021 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

QC police thwart attempted break-in at Novaliches pawnshop
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026
Farm to Table: (May 3, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

World premiere of Babawiin Ko Ang Lahat


Balikan ang mga pangyayari sa trending na world premiere ng bagong afternoon soap na 'Babawiin Ko Ang Lahat' kahapon, February 22.

Nagsimula na ang pinakabagong kuwento na kahuhumalingan ng mga Kapuso tuwing hapon, ang Babawiin Ko Ang Lahat!

Kahapon, February 22, nakilala ng mga manonood ang mayaman na pamilya nina Victor Salvador (John Estrada) at Christine (Tanya Garcia-Lapid) na nagmamay-ari ng isang malaking farm.

 Babawiin Ko Ang Lahat world premiere last February 22

Masasabing perpekto ang buhay ng mag-asawang Salvador kapiling ang unica hija nila na si Iris (Pauline Mendoza).

Pero sa likod ng yamang tinatamasa, may lungkot pa ring nararamdaman si Victor sa kanyang puso, dahil nawalay ito sa mga anak niya sa unang asawa na si Dulce (Carmina Villarroel) na iniwan siya para pumunta sa Japan at makasama ang yakuza na si Akira Tanaka.

Ano kaya ang nangyari kay Dulce at sa mga anak nito?

Tinatamasa din ba nila ang karangyaan na hangad ni Dulce para sa mga anak na hindi maibigay ni Victor noon?

Heto at balikan ang trending world premiere ng Babawiin Ko Ang Lahat sa video above o panoorin DITO.

Dulce abandons Victor

Iris bumps into Trina

Patuloy na tutukan ang pinakabagong Kapuso serye na Babawiin Ko Ang Lahat sa oras na 3:25 PM, Mondays-Fridays after Magkaagaw.

Balikan ang lock-in taping experience ng buong cast sa probinsya ng Batangas sa gallery below!

Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'

Tanya Garcia-Lapid, magbabalik-GMA matapos ang walong taon

Why does Pauline Mendoza want to work with John Estrada again?