
Nabalot ng labis na kilig ang social media matapos maging usap-usapan muli ang tagpo ng paboritong tambalan nina Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales), ang AnGuel, sa hit drama series na You're My Favorite Song!
Ngayong linggo ng serye, naganap ang pinakahihintay at inaabangang Brighton Bay Ball, kung saan ang lahat ng mag-aaral ng Brighton Bay Academy ay dumalo—suot ang kanilang maningning na mga suits at naggagandahang gowns—para sa isang pagkakataon ng pagdiriwang, sayawan, at kilig.
Bukod sa pagkakataong magsaya, naging pagkakataon din ang gabi para kina Miguel, Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) upang aminin ang kanilang tunay na nararamdaman para sa matapang, matalino, at busilak na si Angel. Kani-kaniyang diskarte ang tatlo sa kabila ng iba't ibang hadlang.
Ang matalik na kaibigan ni Angel na may umuusbong na damdamin dahil sa kanilang pagiging magkatuwang sa paaralan at sa Gran Vista Resort. Gayunpaman, hirap siyang umamin dahil ayaw niyang isugal ang kanilang pagkakaibigan.
Samantala, nakaramdam ng selos matapos maunahan nina Zion at Miguel. Sa tulong ng kaibigang si Raviel (Lee Victor), na nagsinungaling kay Angel na ipinatatawag ito ni Ma'am Dragona (Shyr Valdez), naipalabas nila si Angel sa hall.
Sa labas, naglakas-loob si Calix na umamin at inabutan pa si Angel ng isang moon pendant. Ngunit naudlot ang palitan ng salita nang dumating si Jacob (Geo Mhanna) upang sunduin si Angel dahil sa magandang balitang naghihintay sa loob.
Pagkapasok ni Angel, agad siyang sinalubong ng mga kapwa estudyante dahil siya ang hinirang na Queen ng Brighton Bay Ball kung saan kapareha niyang nagwagi si Miguel na siya namang kinoronahan bilang King.
Bagama't hindi mawala ang ngiti kay Miguel dahil sila ni Angel, sa tradisyon ng Brighton Bay Academy, ang hihiranging King and Queen ay ikakasal sa Marriage Booth na inihanda para sa mga mananalong estudyante sa naturang ball.
Hindi naman maalis sa mukha nina Calix at Zion ang selos dahil si Miguel ang maikakasal kasama si Angel sa marriage booth.
Dinagsa naman ng excitement ng fans ang naturang episode. Labis din na inaabangan ang “exchange of vows” ng tambalang 'AnGuel' sa marriage booth.
Narito ang ilang reaksyon at komento mula sa mga solid viewers at fans:
Dahil sa tindi ng ingay ng episode at ang matinding pag-aabang ng fans sa susunod na mga tagpo, agad na umakyat sa Top 1 spot ng trending topics ng X (dating Twitter) ang hashtag na “ANGUEL KASAL NA.” Nakuha naman ng “BRIGHTONBAY CROWNS MIGUEL” ang Top 2 Spot, habang nasa ikaapat na pwesto naman ang GELIX SHOT PUNO.”
Ano kaya ang gagawin ni Miguel kapag nalaman niyang pinapalayo ng kaniyang ama na si Neil (Paolo Paraiso) si Angel sa kaniya? Manaig ba ang pamilya o manaig ang pagtingin niya sa dalaga?
Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!
Related Gallery: Kilalanin ang cast ng You're My Favorite Song