
Excited na si Zephanie para sa kaniyang 22nd birthday ngayong Valentine's Day, February 14.
Magdiriwang si Zephanie ng kanyang birthday kasama ang MAKA Season 2 cast kung saan magha-hiking sila sa Mt. Pulag.
"Now mas mayroon siya reason, mas may depth 'yung trip na 'to kasi birthday ko po," sabi ni Zephanie.
"Tapos siyempre we're celebrating the month of love, it's just nice to be with people na talagang you genuinely love," dagdag niya.
Makakasama ni Zephanie sa hiking trip ang bagong co-star sa MAKA na si Elijah Alejo.
Present din sa birthday trip ni Zephanie ang MAKA love team na sina Marco Masa at Ashley Sarmiento, na sa Mt. Pulag na ise-celebrate ang Valentine's Day.
Hiwalay naman ngayong Valentine's Day ang MAKA love team na sina Olive May at John Clifford dahil hindi makakasama ang aktor sa hiking.
Panoorin ang interview ni Zephanie tungkol sa kanyang birthday trip sa video na ito:
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: