GMA Logo Zoren Legaspi in Apoy sa Langit
What's on TV

Zoren Legaspi on his latest performance as Cesar: "Takot na takot ako na kunan 'yung eksena na 'yun"

By Maine Aquino
Published September 2, 2022 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi in Apoy sa Langit


Alamin ang kuwento ni Zoren Legaspi sa kanyang nakakatakot na pagganap bilang Cesar sa nalalapit na pagtatapos ng 'Apoy sa Langit.'

Ibang Zoren Legaspi ang napanood sa episode ngayong September 2 sa Apoy sa Langit.

Mas pinatindi ni Zoren ang kanyang pagganap bilang Cesar na gumawa ng kasamaan kina Gemma (Maricel Laxa), Ning (Mikee Quintos), at Stella (Lianne Valentin).

Sa episode na ito ay sinaktan niya ang kanyang mga biktima habang sila ay nakakulong sa Villa Fuego.

Kuwento ni Zoren sa livestream ng Apoy sa Langit, "Takot na takot ako na kunan 'yung eksena na 'yun.

"Kasi kumbaga nag-elevate na tayo sa mga characters natin. So 'yung eksena na 'yun kailangan mayroon silang makita na hindi pa ginagawa ni Cesar. 'Yun ang medyo tricky kasi doon."

Ayon pa sa mahusay na aktor, ipinakita niya lamang ang naglalaro sa isipan ni Cesar.

PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

Paliwanag niya, "Noong nandoon na ako, hindi na ako lumalabas ng kwarto kahit ang init init na at kahit nagsi-set up kasi baka mawala, baka mawala 'yung character. It was just impromptu na lang talaga."

Dugtong pa niya, isinabuhay niya lamang ang character ni Cesar sa Apoy sa Langit.

"Hindi ka puwede na magwala lang bigla o maging crazy na sa labas ng character ni Cesar e. So kailangan 'yung craziness niya should be craziness ni Cesar."

Binigyang diin rin ni Zoren ang pagiging supportive ng kanyang mga kasamahan sa programa kaya ganoon ang kinalabasan ang matinding eksena na ipinalabas ngayong araw.

Kuwento ni Zoren, "Nagkaroon ako ng confidence noong nakita ko lahat very supportive. You guys (Maricel, Mikee and Lianne), 'yung mga cameramen, yung crew, yung art dept, and si Direk (Laurice) 'pag sinabing dugo nandoon kaagad 'yung mga dugo. 'Yung ilaw nandoon. It was given to me, so sabi ko nakakahinayang kung hindi ma-justify. I tried to justify the scene sa abot at makakaya ko lang."

Panoorin ang pagtatapos ng highest-rating afternoon drama of 2022 at number one program on GMA Network's YouTube channel na Apoy sa Langit ngayong September 3, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

SAMANTALA, BALIKAN ANG PHOTOS NG CAST NG APOY SA LANGIT DITO: