TV

Test Your Knowledge: Roco brothers ace Celebrity Bluff Final Four


Matagal-tagal nang walang nakaka-perfect ng ‘Round 3: Final Four’ ng ‘Celebrity Bluff’, pero noong nakaraang Sabado, pinasaya ng Roco brothers ang mga Gangnamamamam dahil nauwi nila ang P100,000 prize.

Nagdesisyon man sila na hindi na ituloy sa jackpot round ang laro, napatunayan nina Dominic at Felix ang kanilang galing at talino. Kakayanin niyo rin bang malampasan ang panlilinlang nina Jose, Boobay at Brod Pete? Alamin sa quiz na ito.

1. Anong bansa ang world’s largest supplier ng bibliya?

A. USA – maraming religion dun at bible-based sila
B. Italy – sentro ng Katolisismo
C. China – maraming supply ang China sa maraming produkto

2. Ayon sa Scandinavian traditions, ano raw ang mangyayari kapag ang isang lalaki at isang babae ay kumain mula sa iisang tinapay?

A. Mag-aaway sila
B. Sineswerte
C. Mai-inlove

3. Sa isang araw, ang isang baka ay nakakapag-produce ng mula 10 to 45 gallons of ___?

A. Urine
B. Saliva
C. Milk

4. Ayon sa pag-aaral ng Bureau of Labor and Employment Statistics, ano raw ang numero unong ailment o inirereklamong karamdaman ng Filipino workers?

A. Ubo
B. Back pain
C. Sakit sa ulo

5. Ayon sa Guiness World Records, ano ang largest ever single food item sa isang menu?

A. Giraffe
B. Camel
C. Horse

6. Saang bahagi ng human body matatagpuan ang pinakamanipis o thinnest skin?

A. Ears – kaya sensitive ang part na ito
B. Mata – eyelids, in particular
C. Sex organ

7. Jackpot: Anu-anong planeta sa solar system ang may rings?

A. Mercury
B. Saturn
C. Uranus
D. Neptune
E. Jupiter
F. Venus

Answer key:

1. C – Bagamat hindi kilalang Christian nation ang China, isang printing company dito ang gumagawa ng bibliya and as of July 2013, nakapag-provide an ito ng 100 million copies of the Bible.

2. C – According to Scandinavian traditions, if a boy and girl eat from the same loaf of bread, they are bound to fall in love.

3. B – Kada araw, ang mga baka ay nagpro-produce ng 10 to 45 gallons of saliva.

4. B – Ang pinaka rinereklamo ng mga Pilipino ay back pain.

5. B - Ang largest single food item na inihanda ay isang buong stuffed camel.

6. B - Ang pinakamanipis na skin sa ating human body ay ang nasa ating talukap o eyelid.

7. B, C, D, E

Isa na namang Sabado ng katatawan at kaalaman ang lumipas sa Celebrity Bluff. Abangan ang panibagong jokes at trivia next weekend sa GMA Sabado Star Power.